top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung ang ex-BF niyang si Gerald, sinalo noon ng aktres… MAJA, ATRAS SALUHIN ANG INAYAWAN NI BEA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 8, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 8, 2020




Balitang nagkakaroon ng ilang problema ang production staff ng seryeng Kahit Minsan Lang. For one, ang napiling gaganap na female lead star na si Bea Alonzo ay nag-back-out sa nasabing project. Aniya'y hindi pa siya handang magtrabaho habang may Covid-19 pandemic.


May kumalat na si Maja Salvador ang isa sa mga pinagpipiliang pumalit kay Bea bilang lead actress ng serye, pero tinanggihan din daw nito ang alok ng Star Creatives, ang producer ng ABS-CBN drama series na pinagbibidahan din nina Richard Gutierrez at Rafael Rosell.


Teka, hindi kaya 'bitter' pa rin si Maja kay Bea dahil 'sinalo' nito ang galing sa kanya na si Gerald Anderson?

As of this writing, wala pang announcement ang Star Creatives sa kapalit ni Bea although pinabulaanan nila ang bali-balitang kanselado na ito.

Pero ang alam kasi namin, magiging mainstay si Maja ng Sunday Noontime Live ng TV5 simula sa October 18. Kasama niya rito si Piolo Pascual at maraming iba pa. Ipinrodyus ito ng BrightLight Productions na pag-aari ni former Negros Occidental 3rd District Representative Albee Benitez.

True kaya na inalmahan ng ABS-CBN at ng mga namamahala sa mga programa ng BrightLight Productions ang pagtatapat-tapat ng mga pang-Sunday show na Sunday Noontime Live at ASAP Natin 'To, ganu'n din ng daily noontime program na It's Showtime at Lunch Out Loud?

Ang Lunch Out Loud na magsisimula sa October 19 ay blocktimer show sa TV5 na ipinrodyus din ng BrightLight Productions. Kabilang naman sa mga main hosts nito sina Billy Crawford at Bayani Agbayani.

Ipinagmamalaki ng BrightLight Productions na may sariling studio para sa daily noontime show na Lunch Out Loud at sa Sunday Noontime Live.

Ang dating Wowowin studio ni Willie Revillame sa Kalayaan Avenue, Quezon City ang napili ng BrightLight Productions bilang "tahanan" ng ilulunsad na mga programa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page