Kung ang BINI, todo-hirit ng privacy… ANNE, GAME NA GAME MAGPA-SELFIE SA FAN KAHIT SA PUBLIC PLACE
- BULGAR

- Sep 12, 2024
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | September 12, 2024

Marami ang bumilib sa pagiging accommodating ni Anne Curtis sa isa niyang avid fan.
Sa nag-viral na video, makikitang nahihiya pang lumapit kay Anne ang fan para magpa-selfie. 'Di siguro sukat-akalain nito na pagbibigyan siya ng aktres.
Nagpakuha sila ng photo at nag-sign pa si Anne sa suot nitong sweatshirt na lalong ikinakilig ng fan.
Komento ng mga netizens:
“Sobrang down-to-earth po ni Ms. Anne. I remember ‘yung mama ko offered canned drinks to her kasi promodiser si Mama that time. Bumili po si Ms. Anne sa kanya.”
“Noble Anne, Inspiring and Empowering.”
“Seems like it…. A beautiful lady with a beautiful heart. That’s why she is always blessed!”
“Sana lagi si Anne d’yan sa restaurant nila to attract customers. Hindi pa kasi alam ng tao na may bagong bukas sina Erwan at Nico na restaurant.”
“Jusko, ako rin ‘pag makikita ko si Anne, mahihimatay din ako.”
Bigla tuloy naming naalala 'yung kuwento tungkol kay BINI Maloi na dinumog ng mga tao sa restaurant para magpa-picture.
Ang ending, naglabas ng official statement ang kanilang talent agency na sana raw ay bigyan sila ng privacy sa mga public places.
Kaya nakakatuwa na ang isang Anne Curtis ay walang ganu'ng hanash, 'di ba?
SA Instagram (IG) post ni Julia Montes, makikita ang natural beauty ng aktres sa stunning video niya na nagpo-promote ng isang beauty product.
Ayon sa kanyang post, “Getting ready for a big day with my new Dyson Airwrap! Check out my top tips and tricks to make the most of it.”
Pero kahit beauty product ang ipino-promote ng aktres, sa natural beauty pa rin niya na walang make-up naka-focus ang atensiyon ng mga netizens.
Komento nga ng mga ito:
“Napakaganda mo, Jul!”
“Kamukha mo si Kristine Hermosa, Bhe.”
“Kamukha rin n’ya si Dominique Cojuangco.”
“Walang make-up, ‘yan ang ganda.”
“Suwerte naman ni Coco, maganda na, mabait pa at higit sa lahat, one-man woman.
Kaya mahal na mahal s’ya ni Tanggol, eh.”
May isa nga ring post si Julia Montes na captivated her followers with a series of portraits that she just shared.
Ang caption niya: “Life is better when you are smiling.”
TULOY ang reunion concert ng Streetboys. Inanunsiyo ni Vhong Navarro sa kanyang Instagram (IG) Stories ang kanilang dance concert.
Post niya, “Streetboys reunion dance concert at the New Frontier Theater is on November 8! Tickets out on September 17 at all Ticketnet outlets. Thank you!”
Si Ogie Alcasid ang producer ng kanilang dance concert. Since nagkawatak-watak na ang grupo ng Streetboys, kung saan-saan na sila napadpad. Ang iba ay naging OFW na. Tanging sina Jhong Hilario at Vhong ang naiwan sa entertainment industry.
Noong 1993, sumikat ang grupong Streetboys dahil sa kakaiba nilang acrobatic dance moves. Si Direk Chito Roño ang naka-discover sa grupo na nakita lang umano niya ang mga ito sa kalye kaya tinawag silang Streetboys.
Naging mahigpit silang kalaban nu’ng time na ‘yun ng ibang dance group na Universal Motion Dancers (UMD) and the Manoeuvres, at maraming kabataan ang nababaliw sa kanila.
Sila ang nagpasikat ng mga sayaw to the tune of Lick It, Friends, The Sign, MMMbop, Arikingking King, Macarena, Ragamuffin Girl, Feel Like Dance, Beautiful Life, Ecstacy Extano, On Ne S’Aimera Plus Jamais, and many others.
Ang dami nang excited sa parating na dance concert ng Streetboys.
Ayon kay Vhong, kumpleto silang magpe-perform dahil ang iba nilang members na nasa ibang bansa ay mag-uuwian para sa kanilang show.
Like Spencer Reyes, Michael Sesmundo na parehong nasa London, Joseph De Leon na nasa Dubai, at Sherwin Roux sa Canada.
Ang buong grupo ay kinabibilangan ng siyam na miyembro — Vhong Navarro, Jhong Hilario, Spencer Reyes, Maynard Marcellano, Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, at Nicko Manalo.





Comments