top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung ang BF, maalaga raw 'pag silang dalawa na lang… BEA, AMINADONG TODO-KAPIT AT "I LOVE YOU"

BULGAR
Sep 16, 2021
2 min read

KAY DOMINIC


ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 16, 2021



Kuwento ni Bea Alonzo, service raw talaga ang love language ng boyfriend niyang si Dominic Roque. Mahiyain daw kasi ito lalo 'pag maraming tao, pero 'pag silang dalawa ay maalaga talaga.


“Mas expressive siya kapag kaming dalawa lang kasi talagang mahiyain siya. Pero siya, naniniwala ba kayo ru’n sa ‘action speaks louder than words’? Ganu’n siya. ‘Yung love language niya kasi, service, mahilig talaga siyang alagaan siya. Ganu’n,” sey ni Bea sa kanyang guesting sa The Boobay and Tekla Show.


Ayon pa sa aktres, siya ang demonstrative talaga.


“Clingy ako, eh, talaga. Clingy ako. Saka words of affirmation. Mahilig ako mag-I love you. Expressive.”


As everybody knows, bago naging sila ni Dominic ay matagal muna silang naging magkaibigan. Pero mas naging close sila nang maging single siya ulit matapos ang breakup niya with her ex na alam naman nating si Gerald Anderson.


“Actually, mas nag-open-up ako sa mga kaibigan ko. Alam mo ‘yung when you’re not in a relationship, mas marami kang time sa mga kaibigan mo. Ganu’n ‘yung nangyari. And then, we got to spend time together.


“And then, parang ano siya, parang hindi siya pinilit, para lang siyang na-develop naturally,” kuwento ni Bea tungkol sa simula ng kanilang love story.


Natanong din ang aktres kung ano'ng meron si Dominic at ito ang nakapagpa-oo sa isang Bea Alonzo.


“After my past relationship, mas naging careful ako, I guess. I really took time to decide, and he was always there. Nandu’n siya all throughout my entire journey of healing.


“Siguro, ‘yung desisyon ko, nanggagaling du’n sa magaan 'pag kasama ko siya. Sabi ko nga sa past interview ko, na-realize ko, love doesn’t have to be hard. Love can be easy and this is an easy kind of love,” anang aktres.


When asked kung husband material ba si Dominic, mabilis na sagot ni Bea, “Oo naman.”

She added, “Saka siyempre naman, at this point in my life, hindi naman ako papasok sa isang relasyong hindi naman seryoso, 'di ba? Pagkatapos ng lahat? Pang-seryoso naman talaga. So, oo, husband material.”


Nahingan ng mensahe si Bea para kay Dom at ang nakakakilig na pahayag ng aktres, “Simple lang, thank you for coming into my life.”


Dagdag pa niya, “He’s a big blessing sa buhay ko.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page