Kundi raw senador, gobernador naman… ROBIN, NETIZENS ANG PINAGDEDESISYON KUNG TATAKBO SIYA SA 2022
- BULGAR
- Sep 18, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 18, 2021

Hindi makapagdesisyon sa sarili si Robin Padilla kung tatakbo ba siya sa 2022 o ipagpapatuloy na lang ang paggawa ng pelikula.
Sa kanyang socmed ay nagpapatulong siya sa mga netizens.
Aniya, “Sobrang naguguluhan ako… Kayo na po ang magdesisyon, pulitika o pelikula?”
Kung tatakbo raw siya, may tatlo siyang options — tatakbo siyang senador or gobernador ng Camarines Norte o kaya’y mayor ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Pero, kung ‘di raw siya matutuloy sa pulitika, gagawin na lang niya ang Bad Boy 3 at Mistah 2.





Comments