top of page

Kumpirmadong walang shortage sa suplay ng asukal

  • BULGAR
  • Aug 25, 2022
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | August 25, 2022


BATAY sa serye ng pagsalakay sa mga warehouses, nakumpirma na walang shortage sa suplay ng asukal.


Kinakartel ang supply at iniipit ang pagbebenta.


Bistado 'yan ng Malacañang at Senado.


◘◘◘


HINDI lang sa suplay ng asukal nararanasan 'yan, kundi maging sa kartel ng bigas, frozen meat at gulay.


Ganyan din, nasa warehouses lamang ang suplay kaya't pinalolobo ang presyo.


◘◘◘


SA totoo lang, ang mga grocery items ay ganyan din, ipinapasok sa loob ng bansa gamit ang modus ng “technical smuggling”.


Technical smuggling ito dahil may dokumento ng importasyon kakutsaba ang mga signatories na mga opisyal ng gobyerno.


◘◘◘


MATAGAL nang modus-operandi

'yan.


Kaya’t pinag-aagawan ang rekomendasyon sa sinumang mauupo sa Bureau of Customs at Department of Agriculture.


◘◘◘


MAKIKITA natin na tumpak na umaktong kalihim ng DA si Pangulong Marcos.


Malinaw na nabuwag agad niya ang sindikato sa asukal.


◘◘◘


MAS mainam sana ay si Pangulong Marcos din ang maupong komisyoner sa Adwana kahit one year lang.


Mahirap pagkatiwalaan ang mga rekomenda lamang dahil maaaring smuggling lords ang siyang nagrerekomenda.


◘◘◘


OPO, technical smuggling ang modus-operandi.


Madaling makalusot 'yan kasi'y kakutsaba ang mga signatories.


◘◘◘


HINDI pa rin tapos ang giyera ng Russia at Ukraine.


Matira ang matibay.


◘◘◘


HINDI magkandatuto ang mga eksperto sa depinisyon ng depression, recession, stagflation o krisis sa ekonomiya.

Bagumbago na kasi ang ating henerasyon.


Meaning, may bago nang halimaw.

Siyempre, may bago na ring “diyos” na lilitaw.


◘◘◘


KUMBAGA sa yin and yang at sa kilos ng negative at positive.

Kapag may bagong demonyo, awtomatik may bagong diyos.


◘◘◘


SA sinaunang kuwento ng mga kababalaghan ni Lola Basyang, ang aswang ay walang kamatayan.


Sa “The End” ng pelikula, biglang babagsak sa mesa ang “pusang itim”.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page