Kumpirmado na… BOY, NINONG SA KASAL NINA JULIE ANNE AT RAYVER

ni Mercy Lejarde @Talkies | September 14, 2026

Photo: Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa Fast Talk with Boy Abunda - YT / SS
Kinuhang ninong sa nalalapit na kasal ng singer-actress na si Julie Anne San Jose at ng aktor-dancer na si Rayver Cruz ang King of Talk na si Boy Abunda.
Kamakailan lamang ay naging guest si Julie Anne sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa kanilang planong pagpapakasal sa 2027.
Tinanong ni Boy kung kumusta na ang kanilang wedding preparations, kabilang na ang mga detalye tulad ng gown, entourage, mga ninong at ninang at venue.
“What can you tell us about the wedding that’s supposed to happen in 2027?” tanong ni Boy.
Nakangiting sagot naman ni Julie Anne, “Ang masasabi ko lang, Tito Boy, isa ka sa mga ninong.”
“At tinanggap ko na ‘yun,” mabilis namang tugon ni Boy.
Pagbabahagi ni Julie Anne, wala pa siyang napipiling wedding gown, ngunit napag-uusapan na nila ni Rayver ang ilang detalye para sa kanilang espesyal na araw.
“Gown, wala pa akong gown. But, yeah, we’ve been talking about it na. Tapos ako, s’yempre, lahat naman ng babae ay naglilista kung ano ang kanilang mga dream destinations, wedding, catering, mga bridesmaids, ganyan,” ani Julie Anne.
“So I think it will be easy siguro, Tito Boy, if ever that time comes, kung nasa panahon na kami na ganu’n. But yeah, talagang like right now, we’re very, very okay. Napag-uusapan na,” dagdag pa niya.
Samantala, excited naman ang multi-awarded TV host para sa nalalapit na pag-iisang dibdib nina Julie Anne at Rayver.
“Excited lang kami. At least, may na-confirm na isa. Ninong ako,” nakangiting saad ng TV host.
Wow, sure si yours truly na bonggang-bongga ang magiging kasal. At sure rin ako na invited ang parents ni Julie Anne na sina Jonathan at Marivic San Jose. Aba, dapat lang, mabait na anak si Julie Anne, ‘di ba naman, Rayver?
At least, kumpleto ang family sa wedding. Alam na this!
‘Yun lang, and I thank you.
Laglag mang National Artist…
SIGAW NG KAMPO: VILMA, LIVING LEGEND
NAGPAHAYAG ng kanilang pagkadismaya ang ilang tagahanga ng Star for All Seasons na si Vilma Santos matapos ang anunsiyo noong Setyembre 2026 ng 10 bagong National Artists of the Philippines.
Sa social media, ibinahagi ng isang fan ni Vilma na si Julie Haglund ang kanyang saloobin hinggil sa hindi pagkakasama ng multi-awarded actress sa bagong batch ng mga ginawaran ng prestihiyosong pagkilala.
Ani Julie, bagama’t nakalulungkot na hindi napili si Vilma ngayong taon, hindi umano kayang burahin ng kawalan ng titulo ang napakalaking legacy ng aktres.
“I’m saddened that Ate Vi was not chosen this year, but no title can ever erase a legacy like hers,” aniya.
Binigyang-diin din ni Julie ang mahigit anim na dekadang kontribusyon ni Vilma sa Philippine cinema, kung saan marami umano siyang naging karakter na tumatak sa puso ng mga Pilipino.
Ayon pa sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula, nabigyan ni Vilma ng boses ang mga ina, manggagawa, kababaihan at pamilya, at nakaimpluwensiya rin sa ilang henerasyon ng moviegoers.
Aminado si Julie na maaaring madismaya ang mga tagahanga sa naging resulta, ngunit hinikayat niya ang mga ito na huwag hayaang mauwi sa kawalang-galang ang kanilang reaksiyon.
Para sa kanya, nakasulat na sa puso ng mga Pilipino ang kontribusyon ni Vilma sa kultura sa mga pelikulang patuloy na binabalikan at sa mga buhay na kanyang naimpluwensiyahan hindi lamang sa pamamagitan ng sining kundi maging ng serbisyo publiko.
Sa huli, mariing iginiit ni Julie, “Ate Vi is and will always be a living legend.”
Well, big tumpak ka riyan, Ms. Julie. No title can ever erase the legacy of a true living legend like Vilma Santos.
Parents ng BF, out sa kasal nila…
CHLOE, TODO-THANK YOU SA MGA NAKAINTINDI AT TODO-SUPORTA SA KANILA NI CARLOS
NAG-VIRAL sa social media ang naging pahayag ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo sa podcast vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila na hindi niya iimbitahan sa kanyang magiging kasal ang kanyang mga magulang, dahilan para magpasalamat ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose at nagpaabot ng mensahe para sa mga sumuporta sa kanilang mga naging pahayag.
Ani Chloe, “Thank you so much, Ms. Kristin Karen Davila, for having us as your guests. It was such a great conversation, filled with so much light, and we truly enjoyed sharing the space with you.
“Thank you, too, for the work you do in empowering women, creating a space where women can speak openly, and reminding us of the strength in our own voices. We hope and look forward to speaking with you again and having even deeper conversations.
“And to everyone who watched, thank you for taking the time to listen to our story. There’s honestly so much more behind everything—so many stories, experiences, and details that one interview simply isn’t enough to cover it all.
“But truly, thank you for listening, for understanding, and especially for all your kind and thoughtful comments. It means more than you know.”
Well, your wedding, your rules.





Comments