Kumonsulta na sa DOH… Face mask rule sa mga paaralan, ilalabas — DepEd
ni Lolet Abania | September 15, 2022

Ipinahayag ng Department of Education (DepEd) na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) upang magkaroon ng bagong guidelines hinggil sa pagsusuot ng face masks sa mga paaralan.
Sinabi ni DepEd Spokesman Michael Poa na ia-update ng ahensiya ang kanilang health protocols sa mga paaralan, kasunod ito ng desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na optional na ang paggamit ng face masks sa mga outdoor areas.
“We will consult the DOH kasi may mga times na nasa open space din po ang ating mga learners and we will incorporate them doon sa naantalang health guidelines,” saad ni Poa sa isang press conference ngayong Huwebes.
“We will issue the guidelines very, very soon,” sabi pa niya.
Ayon kay Poa, maglalabas din ang DepEd ng data kaugnay sa bilang mga estudyante at mga guro na tinamaan ng COVID-19 simula nang mag-start ng School Year 2022-2023, kung saan maraming mga eskwelahan ang nag-resume na ng in-person classes ng full capacity.
Sinabi naman ni Poa, asahan na posibleng magkaroon ng COVID-19 cases sa mga classroom settings subalit nais ng DepEd na mapigilan ang aniya, “major surges.”





Comments