top of page
Search
  • BULGAR

Kumbinasyon ng dalawang earth type sign… Tiyak na yayaman at liligaya sa buhay

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | July 4, 2023



Dear Maestro,


Itatanong ko lang sana kung compatible ba kami ng boyfriend ko, na isinilang noong Pebrero 16, 1994. Gusto ko rin sanang malaman kung kami na ang magkakatuluyan at kung panghabambuhay na ang relasyon namin?


Kung sakaling siya na ang makakatuluyan ko, magiging maligaya kaya kami?


Natatakot kasi ako na baka humantong lang kami sa hiwalayan tulad ng nangyari sa mga kapatid kong babae na nagsipag-asawa. October 18, 1995 ang birthday ko.

Umaasa,

Tamara ng Batuhan, Famy, Laguna

Dear Tamara,


Ang zodiac sign mong Libra at Aquarius naman ang iyong boyfriend, ay pasado sa unang teorya o batas ng compatibility, sapagkat ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ito ang elementong air o hangin. Ibig sabihin, walang duda sadya ngang tugma at compatible kayong dalawa ng boyfriend mo kung karunungang Astrolohiya ang pag-uusapan.


Ang ikinaganda pa rito, karamihan sa mag-asawang Libra at Aquarius ay yumayaman, lalo na kung si Libra ay mapagbigay sa hilig at hiling ni Aquarius sa pang-emosyonal at pang-sexual na pangangailangan ni Aquarius. Ibig sabihin, kapag sexually active ang mag-asawang Aquarius at Libra, sila ay tiyak na uunlad, yayaman at magiging maligaya.


Sa Numerology naman halos ganundin ang pag-aanalisang kinauwian. Kung saan tugma at compatible rin kayo ng boyfriend mo dahil ang birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9) ay isang strong number na swak at sakto naman na isama sa weak number na 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ng boyfriend mo, kung saan, manghihiram siya ng lakas ng loob sa iyo habang ikaw naman sa panahong sumosobra ang tiwala mo sa iyong sarili, gagabayan ka niya upang magpakumbaba, maghinay-hinay at ‘wag mag padalus-dalos ng pagpapasya.


Dagdag dito, dahil ang boyfriend mo na may birth date na 16 o 7 ay may weak personality at sabihin na nga natin mabait habang ikaw naman ay may strong personality at sabihin na nga nating medyo dominante, humigit kumulang habang kayo ay nagsasama, hindi niya pasasakitin ang ulo mo sa halip ang posibleng mangyari, pasasakitin mo ang ulo niya sa mga panahon o sa mga pagkakataong hindi kayo nagkakaunawaan.


Nangyaring ganu’n, sapagkat inaasahan ikaw ang kokontrol ng inyong samahan at posible ring “underin” mo ang iyong boyfriend sa panahong kayo ay nagsasama na, dahil nga may strong number kang tinataglay.


Dagdag dito, nagpapahiwatig din ito ng sobrang tiwala sa iyong sarili na kapag hindi ka nagpasakop sa iyong boyfriend o asawa, kahit paminsan-minsan lang, iyon ang mangyayari, siya ang malulungkot at magkakaroon ng mga alalahanin at problema sa buhay.


Gayunman, kung pananatilihin niyong balanse ang inyong samahan. Ibig sabihin, ‘wag mo siyang gaanong dominahan, ‘wag mo siyang laging underin o pangunahan, bagkus ibigay mo ang kumpletong respeto, tiwala at pagmamahal sa kanya, dahil compatible kayo sa Astro-Numerology, kaya sa sandaling kayo ay mag-asawa, hindi kayo matutulad sa mga kapatid mong nahiwalay sa kani-kanilang asawa, sa halip, tiyak na ang magaganap - sa sandaling kayo ang nagkatuluyan may pangako ng isang masagana, maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.


Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page