Kumanta sa ginawa nila, Rayver… ALDEN, IKINULONG SA KUWARTO SI JULIE ANNE
ni Ambet Nabus @Let's See | January 27, 2023

Marami pa rin ang kinilig sa naging rebelasyon ni Alden Richards tungkol sa dalawang showbiz girls na muntikan na niyang makarelasyon.
Sa ginawa niyang pag-amin for the first time sa show ni Kuya Boy Abunda sa GMA-7, marami ang nanghihinayang kung bakit hindi sila natuloy nina Winwyn Marquez at Julie Anne San Jose.
At least, napatunayan ngayong totoo pala ang romansa nila dati ni Winwyn na hindi nga lang ganu'n nag-prosper dahil kapwa sila busy sa work.
Mas naging revealing naman 'yung sa kanila ni Julie Anne dahil panahon pala 'yun ng AlDub kung saan sobrang sumikat si Alden. At sa pag-amin niyang siya ang nang-iwan kay Julie, ramdam talaga ang paghingi nito ng sorry sa aktres.
Siya pala 'yung dating na-blind item na ini-lock ang pinto ng tinatawag na "green room" sa isang afternoon variety show (Sunday Pinasaya) hindi para gumawa ng kabalbalan kundi para kausapin nang masinsinan si Julie Anne at makahingi na finally ng "kapatawaran" dito. Kaya ru'n sa mga nag-isip nang masama sa naturang blind item dati, magsisi na rin kayo dahil ayon nga kay Alden, usapang matino at masinsinan ang naganap at hindi kung anuman.
Sa totoo lang, bigla naming hinangaan ang aktres dahil tunay namang hindi siya nagsalita tungkol sa kung anumang meron sila dati ni Alden at lalo na nu'ng time na super bina-bash siya ng mga AlDub fans.





Comments