top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kumalat, dahil sa pulitika at sa maimpluwensiyang tao…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 7, 2020
  • 4 min read

MGA BOSSING NG TV5, NAGSALITA NA SA HUMAHARANG DAW SA SHOW NI KRIS

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | August 7, 2020




Na-sad man ang mga fans ni Kris Aquino sa pagkakaudlot ng airing ng kanyang pagbabalik-talk show sa dating TV5 (ngayon ay One TV na) na dapat ay sa August 15 na ang pilot, ang Love Life with Kris, masaya namang ibinalita kahapon, via a Zoom virtual presscon, ni Direk Perci Intalan, TV5 Head of Programming, na tuloy na tuloy pa rin ang pag-ere ng ibang bagong shows ng Kapatid Network.

Sa pagsasanib-puwersa ng One TV at Cignal TV, the country’s top pay TV provider at magiging major blocktimer sa Kapatid Network, ilan sa mga bagong shows na mapapanood ngayong Agosto ang morning show na Chika, BESH! (Basta Everyday Super Happy) to be hosted by Pokwang, Pauleen Luna and Ria Atayde, Fit for Life ni Jessy Mendiola, at Usapang Real Life with Luchi Cruz-Valdez.

May dalawang bagong game shows ding mapapanood, ang Bawal na Game Show hosted by Wally Bayola and Paolo Ballesteros at ang Fill in the Bank nina Jose Manalo at Pokwang na may promising loads of fun and prizes.

Nagbabalik din ang dating talent search show ni Ryan Agoncillo na ngayon ay Bangon Talentadong Pinoy na ang title kung saan makakasama niya ang mga talent scouts na sina John Arcilla, Janice de Belen and Joross Gamboa sa pilot episode.

Ayon kay TV5 President and CEO Robert Galang, hindi man nila masasabing makikipagbanggaan nang husto ngayon ang One TV sa GMA-7, mas ambitious naman ang network sa paghahatid ng mga bagong "fresh, quality, uplifting and inspiring" shows.

“Our commitment is to celebrate the lives of today’s Filipinos by providing informative as well as inspiring and uplifting entertainment content, and hopefully, in so doing, we are able to make lives a little better, a little safer, and a little easier in these changing times,” sabi ni Mr. Galang lalo na't nasa "new normal" na tayo ngayon.

Sa ginanap na virtual presscon kahapon ng One TV, hindi na namin pinalagpas na tanungin ang mga bossing ng network, especially si Sir Perci na unang nakikipag-negotiate sa mga gustong mag-block timer sa network since siya nga ang head ng programming, kung nagkaroon ba ng offer ang Kapatid Network sa mga pambatong artista ng ABS-CBN na sina Coco Martin at Vice Ganda tulad ng mga kumalat na chika nu'ng mga nakaraang linggo matapos magsara ang Kapamilya Network.

Paglilinaw ni Sir Perci, since ongoing pang umeere ang FPJ's Ang Probinsyano ni Coco Martin sa Kapamilya Channel, bilang delicadeza ay hindi raw sila nag-attempt na makipag-usap sa kampo ni Coco o ng ABS-CBN. Although aniya, welcome naman sila kung saka-sakaling gustong dalhin at ilipat sa One TV ang longest-running teleserye ni Coco.

Sa case naman ni Vice Ganda, hindi rin daw nila inalok ang sikat na TV host dahil ang alam nila ay nag-launch ito ng sariling digital network at 'yun ang priority ngayon ni Vice.

Hindi rin daw totoo 'yung sinasabing P3 million ang monthly TF na hiningi ni Vice para magkaroon ng show sa network dahil ang pinag-uusapan ay kung magkano ang cost ng buong show na gustong mag-blocktime sa network at hindi ang TF lang ng isang artista.

Samantala, tinanong din namin kung welcome pa rin ba sa One TV si Megastar Sharon Cuneta sa kabila ng hindi napapanahong pag-alis noon ng singer-actress bilang contract artist ng network.

Positibong sagot ni Sir Perci, always welcome naman ang Megastar kung sakaling may gustong mag-produce ng show para rito na ipapalabas sa One TV. Kalimutan na raw ang mga nakaraan at wala naman daw bad blood sa pagitan ng network at ng Megastar.

Tinanong din namin siya kung true ba 'yung kumakalat na may influential na tao sa pulitika na humaharang sa show ni Kris Aquino kaya hindi matuluy-tuloy.

Sagot ni Sir Perci, wala naman daw silang natatanggap na anumang political pressure at kung na-postpone man ang Love Life with Kris, nasa producer daw ang problema dahil hindi pa raw ito ready sa ilang aspeto.

So, klaro na, ha?! Abangan na lang ang mga bagong shows ng One TV na may tagline ngayong ONEderful!




Perfect ang pagkakapili ni Ms. Rhea Anicoche-Tan ng Beautederm kay Ms. Korina Sanchez para maging endorser ng Slender Sips K-llagen Collagen Drink ng RD Healthy Living Corporation na sister company ng Beautéderm.


At the age of 55, mukhang 10 years younger si Ateng Koring lalo na ngayon na super-laki talaga ng ipinayat niya at maraming napapa-wow sa kanyang mga Instagram posts kung saan buong-ningning siyang naka-swimsuit at nakikipagsabayan kina Nadine Lustre at Maja Salvador na mga endorsers naman ng summer swimwear collection ng isang international clothing brand.


At bukod sa pagpapakita ni Ateng Korina ng kanyang sexy body, ang sipag-sipag din nitong mag-promote ng kanyang ine-endorse sa kanyang social media account, kaya sulit na sulit ang mga kumukuha sa kanya bilang endorser.


For sure, tuwang-tuwa si Ma'm Rei sa kanyang good friend na si Ateng Korina dahil ang dami-daming curious ngayon sa Slender Sips K-llagen Collagen Drink, lalo na 'yung mga papunta sa senior years na gusto pa ring magmukhang bata at maging kasing-sexy ng misis ni Mr. Palengke Mar Roxas.


Amazing talaga ang transformation ng Rated K host, pramis!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page