Kumain ng kending bigay ng drayber, mga estudyante naospital

ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 13, 2023

AUSTRALIA — Nasa 15 estudyante sa primary school ang isinugod sa ospital matapos kumain ng kendi na may puting sangkap na ibinigay ng isang drayber.
Dumating ang mga mag-aaral, edad 7 hanggang 12, sa paaralan na may sintomas ng pagsusuka, pagdudumi at pananakit ng bituka.
Ayon kay Kieran Keyes, Chief Executive Officer ng Townsville Hospital and Health Service, 15 mag-aaral ang nasa ospital at nasa maayos nang kalagayan.
Samantala, base naman sa pahayag ni Jonathan Searle, Townsville Senior Sergeant, sinusuri na ang bus at parte na rin ng imbestigasyon ang bus driver.





Comments