top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kulong o P20K multa sa paglaban at pagsuway sa may awtoridad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 31, 2024
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 31, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Kahapon, habang kami ay naglalakad sa labas ng simbahan ay nagkatampuhan kami ng aking asawa. Dahil sa galit niya sa akin ay sinigawan niya ako at pinagsasampal. Nagulat ang mga taong nakapaligid sa amin. Nang nakita kami ng pulis na umiikot sa lugar na iyon ay sinubukan niya kaming awatin, ngunit, imbes na tumigil ang aking misis ay mas lalo pa siyang nagalit. Nang sinabi ng pulis na dadalhin niya kami sa police station ay sinampal at sinigawan niya ito. Sinabi ng aking misis sa kanya na wala siyang pakialam at hindi siya susunod sa mga utos ng nasabing pulis. Maaari bang makasuhan ang aking misis sa kanyang ginawang pagsampal at paglaban sa pulis? Salamat. -- Alex



Dear Alex, 


Ang paglaban at pagsuway sa isang taong may awtoridad o tinatawag na person in authority, o sa mga agent ng naturang tao, kagaya ng ginawa ng iyong asawa, ay napapaloob sa Article 151 ng Revised Penal Code, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“ART. 151. Resistance and disobedience to a person in authority or the agents of such person. - The penalty of arresto mayor and a fine not exceeding One hundred thousand pesos (P100,000) shall be imposed upon any person who not being included in the provisions of the preceding articles shall resist or seriously disobey any person in authority or the agents of such person while engaged in the performance of official duties.


When the disobedience to an agent of a person in authority is not of a serious nature, the penalty of arresto menor or a fine ranging from Two thousand pesos (P2,000) to Twenty thousand pesos (P20,000) shall be imposed upon the offender.”


Sinabi rin ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kaso ng Mallari vs. People of the Philippines (G.R. No. 224679 – February 12, 2020, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic M.V.F. Leonen) na:


“When a person being apprehended by a police officer resists or uses force that is not dangerous, grave, or severe, the offense is not direct assault under Article 148 of the Revised Penal Code. Instead, the proper offense is resistance and disobedience to an agent of a person in authority, penalized under Article 151 of the Revised Penal Code.”


Ang pulis ay kinikilalang agent of a person in authority. Kung kaya naman, maituturing na Resistance and Disobedience to an Agent of a Person in Authority ang ginawa ng iyong asawa, na sa halip na sundin ang nasabing pulis, ay sinampal pa niya at sinabihang hindi niya susundin ang mga utos nito. 


Dahil dito, kung napatunayang may sala, ay maaaring mahatulan ang iyong asawa ng hanggang isang buwan na pagkakakulong o maaari siyang pagmultahin ng hanggang P20,000.00. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page