MANNY, MAY-ARI NG MIAMI HEAT, AYAW PANIWALAAN
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 12, 2026

Photo: Manny Pacquiao - IG
Fake news daw ang lumabas sa isang National Basketball Association (NBA) site na bagong owner si Manny Pacquiao ng Miami Heat dahil bumili ito ng majority stake sa nabanggit na American professional basketball team based in Miami.
Kaya raw fake ang balitang ito ay dahil hindi naibalita sa US at pati rito sa bansa.
Kaya lang, bakit hindi pa idine-delete at patuloy na nababasa ang balita, at may mga nagko-comment pa nga?
Comment ng isang netizen, “Manny definitely does not have that type of money. It takes billions to be a majority owner.”
Sinundan pa ito ng comment na, “He is a billionaire but I’m not sure if his billions is really enough to get the majority ownership of Miami Heat.”
Sey pa, billionaire si Manny sa Philippine peso, hindi sa US (United States) dollar.
Kailangan sigurong pakitaan na ni Manny ng limpak-limpak niyang pera ang mga nagtatanong kung magkano talaga ang kayamanan niya.
Kung totoo man na majority owner na siya ng Miami Heat, ibig daw sabihin, makikita natin si Manny tuwing may laro ang basketball team.
May poster at may inilabas na behind-the-scenes at teaser ang Prime Video para sa drama series nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza na Honor Thy Mother (HTM). In-announce rin na sa September 11, 2026 ang simula ng streaming ng series na marami na ang nag-aabang.
Sa mga eksena ni Sharon, mukha siyang galit at si Barbie naman ay unmade-up ang mukha, kaya ang paniwala ng mga fans, kontrabida ang role ni Mega.
Mukhang galit din daw ang tagline ng series na: “How far can you go to claim what is rightfully yours?” at “Two generations. One fight for legacy.”
Masaya ang mga friends ni Barbie na makasama niya si Mega sa isang malaking project. Si Rita Daniela, napa-comment ng “Only @barbaraforteza nakakaiyak, ‘Te! Tinupad mo ang mga pangarap namin,” na sinagot ni Barbie ng “Halaaa! Grabe ka, Mare. Maraming-maraming salamat! Sobrang saya ng puso ko.”
Natutuwa ang mga fans ni Barbie dahil sa magandang billing ng aktres sa series, kasinglaki at same line raw ng name ni Sharon. Narinig namin ang mga songs sa series at isa si Sharon sa mga kumanta.
Kabilang din sa cast ng HTM sina John Estrada, Mercedes Cabral, Khalil Ramos at Tonton Gutierrez.
Sina Onat Diaz at Jojo Saguin ang mga director ng 14-episode family drama-series produced ng Dreamscape Entertainment at collab ng ABS-CBN at GMA Network.
Si Barbie ang bagong dagdag na anak sa showbiz ni Sharon. Sinabi raw ni Mega na tawagin siyang ‘Mama’ ng aktres na lubos nitong ikinatuwa.
Palaban… NADINE, SINOPLA NG NETIZEN SA IBINEBENTANG PRE-LOVED ITEMS, NANG-BLOCK

Nadine Samonte - IG
Sinagot at inalmahan ni Nadine Samonte ang pumunta sa ibinenta niyang pre-loved goods. Tinawag kasi ng netizen na sa Anko lang binili ni Nadine ang pre-loved items na ibinebenta niya.
Palaban ang sagot ni Nadine na, “Kung walang pambili, ‘wag na lang tumingin. Gusto pa yata ng libre.”
Sabi kasi ng netizen, “‘Kaloka! Anko, ibinebenta pa ng mahal + shipping fee pa.”
Sagot ni Nadine, “‘Di lang po Anko ‘yan, may Adidas at Gibi. Mag-check po muna bago comment ka r’yan. At kung wala ka naman balak bumili, eh, ‘wag ka na tumingin,” at “‘Di Anko rito, sa Australia pa ‘yan, duh? Obvious na ‘di mo alam.”
Ipinaalam din ni Nadine na ang dalawang nagreklamo ay iba-block niya agad-agad para nga naman hindi na makapag-comment pa.
Ang Anko pala ay Australian brand at meron nang branch sa Gateway Mall. Na-curious tuloy kaming puntahan ito to check para malaman kung ano ba ang goods nila.
Well, si Nadine ang isa sa mga celebrities na walang filter at kung ano ang gustong sabihin at nasa isip ay sinasabi.
Naalala namin, last holiday season, nag-dialogue siyang huwag bigyan ng solicitation letter ng press na naaalala lang daw siya kapag nagso-solicit.





Comments