top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kubrador ng STL-con jueteng nagbahay-bahay na, wa’ paki sa COVID-19, tuloy ang raket!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 12, 2020
  • 1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 12, 2020



STL-CON JUETENG, BALIK-OPERASYON NA KAHIT NANANALASA PA ANG CORONAVIRUS—Nag-operate na raw ang STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa iba’t ibang panig ng bansa.


Ganu’n? Sa panahon ngayon na hindi pa humuhupa ang pananalasa ng coronavirus sa bansa ay nagsipag-operate na ang mga gambling lords ng STL-con jueteng.


Eh, baka dahil d’yan ay lalo pang tumaas ang ranking ng Pilipinas sa mundo na may maraming tinamaan ng virus, ‘susmaryosep!

◘◘◘

MGA KUBRADOR NAGBABAHAY-BAHAY NA PARA MAGPATAYA NG STL-CON JUETENG, NAKUPO!—Sa ngayon daw ay nagbabahay-bahay na ang mga kubrador ng STL-con jueteng para magpataya sa mga taga-Laguna, Ilocos region, Isabela, Iloilo, Negros Occidental at Oriental Mindoro.


Dahil d’yan ay huwag nang magtaka ang mga residente sa mga lugar na ‘yan sakaling dumami ang tamaan ng coronavirus sa kanilang mga lalawigan, nakupo!

◘◘◘

PARA HINDI MAHAWAAN NG VIRUS, IBOYKOT NA ANG UKAY-UKAY!—Patuloy pa rin daw nagpupuslit sa Customs ng mga “ukay-ukay” (used clothes) mula sa ibang bansa ang mga ismagler na sina “Big Mama”, “Joel T.”, “Tomboy Saycon” at “Kimberly Gang”.


Kung hindi magawa ng tropa ni Customs Comm. Jagger Guerrero na pigilan ang pagpasok ng mga “ukay-ukay” sa bansa, eh, ang dapat gawin na lang ng mamamayan ay iboykot ang mga produktong ito para makatiyak na hindi mahahawaan ng virus, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page