Krog, naka-tatlong gold na sa Girls 13 Road Race
- BULGAR
- Dec 22, 2022
- 1 min read
n Green Lantern @Sports | December 22, 2022

Pinadyak ni Maritanya Krog ng Caloocan ang Girls 13 and below Road Race upang sikwatin ang pangatlong gold medal sa Philippine Sports Commission - 13th Batang Pinoy 2022 National Championships cycling sa Vigan - Bantay, Diversion Road kamakalawa.
Inilista ni 13-year-old, Baesa High School grade 9, Krog ang oras na 58 minuto at 16 segundo upang walisin ang tatlong event sa cycling.
Pinagwagian ni Krog ang unang gold sa Criterium matapos irehistro ang 37 minuto at 43 segundo at saka kinahon ang ginto sa Individual Time Trial, (ITT).
"Sa ITT nagulat ako, hindi ko akalain na mananalo ako kaya masaya ako ngayon dahil nakuha ko lahat ang gold," masayang saad ni Krog.
Sinikwat naman ni Maria Louisse Crisselle Alejado ng Iloilo (58:17.966) ang silver medal habang bronze ang inuwi ni Jhanah Osias ng Calapan (58:17.967).
Ang nasabing grassroots development program na inorganisa ng PSC sa pamumuno ni chairman Jose Emmanuel ‘Noli’ M. Eala ay suportado rin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Interior and Local Government Unit, Department of Education, MILO Philippines at iba pa.





Comments