ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 18, 2024
Inihayag ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Lunes na mas mababa ang krimen sa kanyang pamamahala kumpara sa nakaraang administrasyon.
“We have done it without resorting to legal shortcuts or short-circuiting the process or acts that subvert the rule of law,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa panunumpa ng mataas na mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Malacañang Palace.
Sinabi ni Marcos na mayroon lamang 198,617 krimen na naitala noong 2023, o ang unang taon ng kanyang administrasyon.
Malaki ang pagkakaiba nito kumpara sa 295,382 krimen na naitala noong 2017 o sa unang taon ng administrasyon ni Rodrigo Duterte.
Samantala, tinukoy ni Marcos na nabawasan ng kalahati ang mga insidente ng paglabag sa karapatang pantao noong 2023 kumpara sa 2022, ngunit hindi siya nagbigay ng karagdagang paliwanag.
“It proves that rules that strengthen the fabric of our democracy, rules that our heroes had died for, rules that [are] enshrined in our Constitution, are not inconveniences in policing but are in fact integral and indispensable in serving up justice,” aniya.
Comments