Gumuhong hotel, 14 pa nawawala
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni BRT @News | May 31, 2026

Photo: Bureau of Fire Protection Central Luzon
Nasa ikaanim na araw na kahapon, Sabado, ng search, rescue, and retrieval operations ng mga awtoridad sa gumuhong ginagawang hotel sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Sa huling ulat, anim na ang kumpirmadong nasawi habang 14 pa ang nawawala.
Nananatili naman ang pag-asa ng mga rescuer na may maililigtas pang buhay matapos silang makarinig ng mga tila katok sa bakal mula sa ilalim ng mga guho.





Comments