top of page
FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Al

Habagat, nagsimula na — PAGASA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 39 minutes ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 31, 2026



Tropical Domeng - DOST-PAG-ASA

Photo: Makikita ang ilang pasahero na nasa ibabaw ng tumagilid na modern jeepney matapos lumabas mula sa bintana makaraang mabangga ang kanilang sinasakyan ng armored van sa bahagi ng Quezon Avenue, Quezon City. (Jeff Tumbado)



Opisyal nang nagsimula ang Southwest monsoon o habagat season sa bansa kaya naman nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga malalakas na pag-ulan.


Gayunman, maaari pa ring magkaroon ng mga tinatawag na monsoon breaks, o mga panahong pansamantalang hihina o titigil ang pag-ulan sa loob ng ilang araw o linggo.

Samantala, namataan ang Severe Tropical Storm Domeng sa layong 980 kilometro silangan ng Northern Luzon alas-4 ng madaling-araw nitong Sabado.


Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 115 kilometro kada oras.


Kumikilos ito pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Inaasahan naman ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Bicol Region, Batanes, Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Quezon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, Batangas, at Lanao del Norte.


Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng mga pulu-pulong pag-ulan o thunderstorms.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page