top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kouame at Maranon, malapit nang maging Pinoy citizen

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 4, 2020
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 4, 2020





Umuusad na sa House of Representatives ang mga hiwalay na panukalang batas na gagawing mga mamayanang Filipino ang ilang banyagang atleta upang lalong mapalakas ang mga pambansang koponan noong Miyerkules. Sina Ange Kouame ng Basketball at Bienvenido Maranon ng Football ay ilang hakbang na lang ang kailangan upang ganap na katawanin ang Pilipinas sa mga pandaigdigang palaro.


Pumasa sa House Committe on Justice ang House Bill 5951 na akda ni Deputy Speaker Roberto Puno ng Antipolo City na layunin ay gawing mamayanan si Kouame na tubong Cote d’Ivoire at kasalukuyang manlalaro ng Ateneo de Manila University sa UAAP. Sinubukan itong maihabol upang makalahok si Kouame sa katatapos na FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers sa Bahrain noong nakaraang Nobyembre 27 hanggang 30 subalit kinapos ito ng panahon.


May nakabinbin na katumbas na panukalang batas sa Senado na Senate Bill 1892 na hinain ni Sen. Sonny Angara at kailangan hihintayin na mapasa nila ito. Magpupulong ang mataas at mababang kapulungan para malabas ang pinag-isang batas na ipapadala para lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 30 araw.


Si Kouame ay 22-anyos pa lang at napipisil na magsisilbi sa Gilas Pilipinas ng matagal kasama ang 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas. Ang kasalukuyang Gilas na si Andray Blatche ay 34-anyos na habang si Marcus Douthit ay 40.


Pumasa din ang House Bill 7427 ni Rep. Manny Lopez ng Maynila para maging Filipino ang Kastilang si Maranon na hinirang na Golden Boot o pinakamaraming naipasok na goal sa 2020 Philippines Football League (PFL) para sa kampeon United City. May hiwalay na House Bill 7284 ng mag-asawang Majority Leader Rep. Martin Romualdez ng Leyte at Rep. Yedda Romualdez ng Tingog Sinirangan Party List na para rin sa naturalisasyon ni Maranon.


Nasa Senado pa noong Marso ang Senate Bill 1390 ni Sen. Juan Miguel Zubiri para gawing Filipino si Maranon. Naghain din ang mambabatas ng hiwalay na Senate Bill 1391 para maging Filipino din ang kakampi ni Maranon sa United City na si Robert Lopez Mendy ng Senegal na may asawang Filipina.


Sa tagal nila sa Pilipinas, parehong pinatunayan nina Maranon at Lopez Mendy ang kanilang husay sa opensa sa PFL at sa dating United Football League. Kung sakali, magiging malaking tulong sila na maabot ng Pilipinas ang inaasam na unang kampeonato sa AFF Suzuki Cup sa darating na Abril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page