Search
  • BULGAR

Kotse, nabasag ang bintana dahil sa pagsabog ng alcohol sa loob

ni Thea Janica Teh | September 29, 2020




Pinaalalahanan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko nitong Martes na huwag mag-iiwan ng alcohol bottle sa sasakyan.


Ito ay matapos mag-viral sa social media ang sasakyang nasira ang loob dahil sa bote na may lamang isopropyl alcohol.


Makikita rito na nabasag ang bintana, nasira ang ceiling at car seat.


Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, “All alcohol bottles have a warning about flammability, so if the conditions are bad, this can happen.”


Makikita sa lahat ng bote ng alcohol ang ilang precaution tulad ng pagsasara rito nang mabuti at paglalagay nito sa lugar na may temperaturang hindi tataas sa 30 degree Celsius.


Dagdag pa ni Domingo, maglalabas umano sila ng advisory upang maiwasan ang mga ganitong insidente.


Simula nang magkaroon ng pandemya, isa na ang alcohol sa pinakakinakailangan ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.