Kotse bumaligtad, 8 sugatan
- BULGAR

- Jun 20
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | June 20, 2026

Photo: Ang kotseng bumaligtad matapos maaksidente at dumiretso sa palayan sa Alicia, Isabela. Walo katao ang nasugatan sa insidente. (Mai Ancheta)
Walong sakay ng isang kotse kabilang ang apat na menor-de-edad ang sugatan matapos maaksidente sa kahabaan ng bypass road sa Alicia, Isabela nitong Biyernes ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Alicia Police, ang mga biktima ay patungo sa bayan ng Tumauini mula Angadanan nang mawalan umano ng kontrol sa brake ang babaeng driver habang nasa kurbadang bahagi ng kalsada.
Inararo ng kotse ang mga konkretong harang sa kalsada bago bumaliktad sa palayan.
Anim sa mga biktima ang nilalapatan ng lunas sa pagamutan habang ang dalawa ay nagtamo lamang ng minor injury at hindi na nagpa-confine sa ospital.
Sinabi ng lady driver sa imbestigador na nagkaroon umano ng problema sa gulong ng sasakyan na naging dahilan ng aksidente.
Ang mga biktima ay miyembro umano ng isang religious organization at dadalo sana sa isang convention, subalit hindi na nakarating dahil sa insidente.





Comments