top of page
Search
BULGAR

Kotong traffic enforcers, pagsisibakin

ni Ryan Sison @Boses | November 1, 2023


Dapat lang na masibak sa puwesto ang sinumang tauhan ng gobyerno na masasangkot sa katiwalian.


Ito ang nangyari sa anim na traffic enforcer ng Land Transportation Office (LTO) na sinibak matapos na akusahan ng pangongotong sa mga driver kaugnay sa kampanya ng kagawaran laban sa mga kolorum na public utility vehicles (PUVs).


Sa ngayon, iniutos na ni LTO Chief Vigor D. Mendoza II ang pagsasampa ng reklamo laban sa anim na tauhan.


Ayon kay Mendoza, ang anim na LTO enforcers ay nasa ilalim na ng preventive suspension at personal niyang tututukan ang kasong ito habang iniutos na rin niya ang pagsasampa ng administrative at criminal complaints laban sa mga ito.


Ipinaliwanag ni Mendoza na ang ilegal na aktibidad ng anim na LTO personnel ay iniulat ng mga confidential agents na kanyang ipinakalat, kung saan nagpanggap na mga driver ng kolorum ng mga sasakyan.


Aniya pa, isasama rin sa imbestigasyon ang mga team leaders ng anim na LTO enforcer dahil sa gross negligence at command responsibility ng mga ito. Ilalabas naman ang pagkakakilanlan ng anim na tauhan matapos ang imbestigasyon sa mga ito.


Mahusay ang ginawang ito ng kagawaran at may nasampulan na sila na kanila pa mismong mga tauhan.


Tama lang na linisin nila ang kanilang tanggapan at parusahan ang tiwali sa kanilang hanay.


Umaasa naman ang taumbayan na patuloy ang gagawin nilang pagsasaayos sa ahensya habang tuluy-tuloy din ang kanilang tapat na pagseserbisyo sa publiko.


Paalala sa mga nasasangkot o tiwali sa gobyerno, tigilan na ang ganitong ilegal na mga aktibidad at mas pairalin sana ang inyong konsensya habang piliing gumawa nang mabuti sa kapwa.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

תגובות


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page