top of page
Dennis Trillo at Patrick Garcia - IG - YT Ogie Diaz.jpg

Korupsiyon, ebidensya muna bago akusasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | October 6, 2026



Editoryal, Editorial


Sa kampanya laban sa korupsiyon, kailangan ng bansa ang matapang na imbestigasyon. 


Hindi maliit na bagay ang pagbibintang ng ghost project, illegal reclamation o paglustay ng pera ng bayan. Kapag sinabi ito sa Senado o saanmang ahensya ng gobyerno, mabilis itong nagiging balita at maaaring maging hatol sa mata ng publiko bago matapos ang beripikasyon.


Makikita umano ito sa kontrobersya ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson at Taguig. Sa gitna ng mga kuwestiyon sa umano’y ghost projects, sinabi ni DPWH Sec. Vince Dizon na wala sa mga kumpirmadong ghost projects ng ahensya ang nasa lungsod. May mga red flag, gaya ng kwestiyonableng billing photos at maling geotag, ngunit hindi iyon awtomatikong patunay ng pagnanakaw o pekeng proyekto.


Hindi lamang ito usapin nina Lacson, Taguig o mga Cayetano. National interest ang nakataya.


Kapag ginawang hatol ang red flag at nauuna ang bintang sa katibayan, nasisira hindi lamang ang reputasyon kundi pati ang kredibilidad ng mga institusyong dapat naghahanap ng katotohanan.


Sa laban kontra korupsiyon, simple ang pamantayan: beripikasyon bago konklusyon, ebidensya bago akusasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page