top of page
Search
BULGAR

Korup na gov’t officials at mambabatas, nasampulan

ni Ryan Sison @Boses | July 12, 2024



Boses by Ryan Sison


Dahil sa maanomalyang paglalabas ng fertilizer funds, guilty ang naging hatol ng Sandiganbayan Second Division sa dating mambabatas at mga opisyal ng Department of Agriculture (DA).


Kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang inihain laban kina dating Cagayan de Oro City Rep. Constantino Jaraula, DA Region 10 technical director Joel Rudinas, budget officer Ma. Reina Lumantas at accountant Claudia Artazo na nahatulang guilty.


Sa 77 pahinang desisyon ng Sandiganbayan 2nd Division, nasentensiyahan ang mga ito ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong. 


Gayundin, tinanggalan ang mga ito ng karapatang humawak ng anumang pampublikong tungkulin o perpetual disqualification habang inalis na rin ang kanilang mga retirement at gratuity benefits.


Hinatulan din ng guilty ang private individual na si Evelyn de Leon ng Philippine Social Development Foundation, Inc., isang non-government organization (NGO) na nagpatupad ng nasabing proyekto.


Kaugnay nito, pinawalang sala sa kaso ng anti-graft court si dating Cagayan de Oro City agriculturist Godofredo Bajas dahil sa kahinaan ng mga ebidensyang iprinisinta laban dito.


Pinagbabayad naman ang lahat ng mga convicted ng graft ng P3 milyon sa city government na mayroong 6% legal interest mula sa finality ng desisyon hanggang sa mabayaran ito nang buo.


Gayunman, lahat ng mga akusado ay napawalang sala o acquitted sa hiwalay na kaso ng malversation of public funds dahil sa kakulangan ng ebidensya.


Tama lang ang naging desisyon na patawan ng guilty ang mga opisyal ng gobyerno at siyempre ang dating mambabatas na napatunayang lumabag sa ating batas.


Dito kasi pumapasok ang korupsiyon na sadyang nagpapahirap sa mga mamamayan at sa ating bayan.


Kumbaga, dapat na masampulan ang mga ito at masentensiyahan ng pagkakakulong para hindi na sila pamarisan pa.


Sa kinauukulan, sana hindi lang dito matapos o huminto ang hustisya kundi simula ito ng pagsuyod sa mga korup na opisyal at nasa gobyerno habang patawan sila ng mabigat na parusa.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page