Korona ng Japan Cup kay Righteous Ruby
ni Green Lantern - @Renda at Latigo |December 12, 2022
Inilampaso ni Righteous Ruby ang kanyang mga nakatunggali upang sikwatin ang korona sa 2022 PHILRACOM "Japan Cup" race na pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas, kahapon.
Impresibo ang ipinakitang performance ni Righteous Ruby na sinakyan ni veteran jockey Fernando M. Raquel Jr.,ito'y matapos irehistro ang tiyempong 1:50.2 sa 1,800 meter race sapat upang ibulsa ng winning horse owner ang P600,000 premyo.
Komento ng mga kareristang nakasaksi ng laban ay impresibo ang naging panalo ni Righteous Ruby.
"Magaling at mahusay na kabayo si Righteous Ruby tapos magaling pa ang hinete," saad ni Renato Legaspi, veteran karerista.
Nakatanggap din ang breeder ng winning horse ng P50,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, nagpakitang gilas din si Mommy Zen nang sungkitin ang panalo sa PCSO Trophy Race na nilarga sa unang karera.
Ginabayan ni IL Aguila, inilista ni Mommy Zen ang oras na 1:25.2 sa 1,400 meter race.





Comments