Korona kay Boss Emong
- BULGAR

- Apr 19, 2022
- 1 min read
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | April 19, 2022
Walang kahirap-hirap na sinikwat ni Boss Emong ang korona sa 2022 Philracom Road to Chairman's Cup na inilarga sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Tanauan City, Batangas, noong Linggo nang hapon.
Ginabayan ni star jockey Jeffrill Tagulao Zarate, ipinuwesto nito si Boss Emong sa bandang likuran upang panoorin ang nasa unahan na si Patong Patong. Pero hindi na pinatagal ni Boss Emong ang pamamalagi nito sa likuran kaya bago makarating ng far turn ay inagaw na ng winning horse ang unahan kay Patong Patong.
Magaan na nakuha ni Boss Emong ang unahan kaya tumuloy-tuloy na ito sa finish line sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni Chairman Reli De Leon.
Inirehistro ni Boss Emong ang tiyempong 1:38.2 sa 1,600 meter race. "Mahusay talaga si Boss Emong, mas lalo akong bumilib sa takbo niya. Tingin ko, mahihirapan na silang manalo riyan sa kabayo ni Boss Edong," saad ni Romeo Dela Cruz, veteran karerista.
Kinubra ni horse owner Vincent "Edward" Diokno ang premyong P300,000 ni Boss Emong habang napunta ang P100,000 sa nasegundong si Blackburn.
Tumersero si former Presidential Gold Cup Champion Pangalusian Island na nakopo ang P50,000, habang pang-apat si Magtotobetsky na hinamig ang P25,000.





Comments