top of page
Herlene Budol - IG.jpg

Koreano, nadale... 3 'MC taxi rider' nangholdap

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | November 2, 2026



Koreano, nadale... 3 'MC taxi rider' nangholdap

Photo: File



Huli ng mga operatiba ng Parañaque City Police ang isa sa tatlong armadong holdaper na nangholdap sa Korean national, Sabado ng gabi sa Parañaque City.


Nahuli ng mga tauhan ni Parañaque police chief P/Col. Nicolas Piñon, si alyas Ramon sa kahabaan ng Macapagal Blvd., nakatakas naman ang dalawa pa niyang kasama na magkaangkas sa motorsiklo.


Sa ulat na nakarating kay SPD Director P/BGen. Rodel Pastor, alas-9:15 ng gabi nang harangin ng tatlong suspek ang 46-anyos na dayuhan habang naglalakad sa kahabaan ng Macapagal Blvd. sa Brgy. Tambo.


Agad nagdeklara ng holdap ang mga suspek, nanlaban ang dayuhan hanggang magpaputok ng baril ang isa sa mga holdaper agad ibinigay ng biktima ang bag na naglalaman ng P12,000.


Ang putok ng baril ay narinig ng mga nagpapatrulyang pulis kaya mabilis silang nakapagresponde sa lugar na nagresulta sa pagkakahuli sa isa sa mga suspek habang nakapuslit ang dalawa, tangay ang salapi ng biktima.


Narekober ang isang kalibre .9mm Glock na baril, ilang mga bala, dalawang itim na bonnet, uniporme ng isang transport service, iba’t ibang uri ng plate number, at ang gamit na itim na motorsiklo ng suspek.


Pinuri naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) OIC P/BGen. Christopher Abrahado ang Parañaque police sa mabilis na pagresponde sa krimen habang nanawagan din siya sa mga transport network companies na higpitan ang kanilang patakaran sa pamamahagi o pagbebenta ng uniporme ng kanilang mga driver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page