top of page

Korean star, gandang-ganda sa 2 aktres… BARBIE AT KYLINE, GUSTONG DALHIN SA SPA NI CHOI BO MIN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 12, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 12, 2025



Photo File: Choi Bo Min, Barbie at Kyline - IG



Hindi kapalit ni David Licauco kundi additional endorsers lang ng BlueWater Day Spa ang Filipino singer-actor na si Teejay Marquez at ang Korean actor na si Choi Bo Min.


Para sa kanilang 20 yrs. in the business, pormal na ngang ipinakilala ang dalawang heartthrob bilang “new faces” of BlueWater Day Spa sa ginanap na media launch sa Westin Plaza nu'ng Huwebes nang hapon.


Tulad ni David na unang ipinakilala noon sa media, parehong mahilig mag-relax at magpa-spa sina Teejay at Bo Min. Bilang mga celebrities, aminado ang Pinoy actor at ang Korean heartthrob na napakahalaga sa kanila ng self-care lalo na ‘pag super-dami nilang work schedule. Kaya, paborito nina Teejay at Bo Min ang traditional Filipino massage ng BlueWater Day Spa bukod pa sa maraming services na ino-offer nito para makapag-relax ang mga clients nila.


Of course, bilang endorsers, natanong sina Teejay at Bo Min kung sino ang gusto nilang isama sa kanilang ‘spa day’ sa BlueWater Day Spa na may iba’t ibang branches — Banawe in QC, Eton Square in Ortigas, Greenhills, San Juan and Estancia Mall in Pasig City.


Safe ang sagot ni Teejay na siyempre, ang mga bossing ng BlueWater Day Spa ang uunahin niyang isama, while si Bo Min na mukhang mahiyain pa dahil hindi masyadong sanay mag-Ingles ay umaming sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara ang mga gusto niyang isama.


Kasama si Choi Bo Min sa Beauty Empire serye nina Barbie at Kyline kaya ‘wag nang magtaka na sila ang gusto niyang maka-bonding habang nagre-relax.


Three months pa lang daw sa ‘Pinas ang Korean actor kaya wala pa siyang gaanong kilalang celebrities, though sinabi naman niyang ‘pretty’ inside and out sina Barbie at Kyline nang ipa-describe sa kanya ang dalawang leading ladies.


Natawa lang si Bo Min nang tanungin namin kung meron na bang Pinay na nakahuli ng puso niya sa 3 buwan niya sa ‘Pinas.


Well, malay natin, du’n niya matagpuan sa BlueWater Day Spa lalo’t napapadalas ang pagpunta niya ru’n para mag-relax.



Tapos na sa kapwa lalaki, dream naman sa may-edad… JAKE, GUSTONG MASUBUKAN SINA CHARO, MARICEL AT SHARON



TWENTY-THREE years na sa showbiz si Jake Cuenca, pero sa dinami-dami ng roles na kanyang nagampanan like kontrabida, gay na nakipag-kissing scene sa kapwa lalaki, etc., etc., never pa pala niyang nagawa ang May-December affair-themed series o movie.


Kaya naman sa ginanap na Spotlight mediacon kahapon ng Star Magic, inamin ni Jake na na-inspire siyang gumawa ng May-December affair project matapos niyang mapanood ang Only We Know movie na pinagbidahan nina Ms. Charo Santos at Dingdong Dantes.


Matagal na raw talaga niyang pangarap na makatrabaho ang dating presidente ng ABS-CBN at mataas ang respeto niya rito na ‘hero’ kung kanyang tingnan.

At bukod kay Ms. Charo, dream din niyang makasama sa May-December affair movie sina Diamond Star Maricel Soriano at Megastar Sharon Cuneta.


Tinanong nga namin si Jake kung ready ba siya sakaling may intimate scenes kina Ma’m Charo, Ms. Marya at Ate Shawie at napangiting sagot ng mas gumuwapo pa ngayong aktor, “Nothing will stop me. I think, next week, I’ll give a little bit spoiler, magugulat kayo sa makikita n’yo sa Batang Quiapo.”


Naku, ang galing-galing talaga ni Jake, may pabitin-effect pa para abangan at tutukan ng mga viewers ng serye ni Coco Martin ang kanyang mga eksena bilang si Miguelito Guerrero.


Yes, tuwang-tuwa si Jake na kahit saan siya magpunta ngayon, Miguelito Guerrero na raw ang tawag sa kanya ng mga fans.  


At bukod sa Batang Quiapo, may isa pang seryeng ginagawa si Jake na ngayon pa lang ay excited na siyang maipalabas dahil grabe rin ang naging effort niya sa What Lies Beneath kung saan gumanap siyang isang inmate.

Ang bongga pa rin ng career ni Jake Cuenca, devah? Congrats!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page