top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kooperasyon ng publiko, kailangan din ng contact tracers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2020
  • 1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 2, 2020



Bukod sa medical frontlinters, unti-unti na ring nasasagad ang contact tracers kasunod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.


Paliwanag ng contact tracing czar, pagod na rin ang mga contact tracer at kung tutuusin, gusto na ring humingi ng time out ng mga ito. At minsan aniya, kung sino ang contact tracer, siya na rin ang swabber.


Sa kasalukuyan, may 149,000 contact tracers sa bansa, na nakatukoy na ng higit 400,000 katao na mayroong close contact sa COVID patient.


Matatandaang kamakailan, sinabi ng pamahalaan na magha-hire ng 50,000 contact tracers ngayong Setyembre para matugunan ang target ratio na 1:37.


Sana nga, makahanap agad ng mga bagong contact tracer para mapadali at maging mas epektibo ang contact tracing, gayundin, para mabigyan ng pagkakataong huminga ang mga humahagilap sa mga may contact sa COVID patient.


Sa ngayon, magtulungan tayo kung kaya naman natin.


Para sa publiko, makipag-ugnayan agad ‘pag kinontak o nalamang may close contact sa COVID positive. Kung kailangang mag-fill-up ng contact tracing form, tiyaking tama at totoo ang impormasyong ilalagay dito. Minsan kasi, ang mga kulang at maling impormasyon ang dahilan kaya lalong tumatagal ang contact tracing.


Simpleng hakbang lang ito para sa atin, pero malaki namang tulong sa mga contact tracers.


Hangad nating makatulong sa mga kababayan nating nagsisikap na masugpo ang hindi nakikitang kalaban, kaya paalala sa lahat, maging bahagi tayo ng solusyon sa laban na ito.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com6

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page