top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kontrobersiyal na 'pre-shaded' na balota, talupan

BULGAR
Apr 13, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 13, 2022


AIKA ROBREDO TARGET NG MGA TROLLS, GUMAGAWA NG MGA PEKENG SEX VIDEO PARA SIRAIN KAMPANYA NI VP LENI – May mga trolls sa social media na gumagawa ng mga fake sex video at nagsasagawa ng sexual harassment kay Aika Robredo para sirain ang tuluy-tuloy na momentum ng kampanya ng kanyang nanay na si presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo.


Sana, ang mga magkakalaban sa pagka-presidente ay mag-pokus na lang sa mga isyu na may kinalaman sa eleksyon, halimbawa ay ang pagalingan sa debate, interview, paglatag ng mga nagawa at plataporma, at hindi gawan ng mga pekeng malalaswang isyu ang anak ng bise presidente, period!


◘◘◘


PARANG ATTACK DOG NG MALACANAÑG SI LACSON LABAN KAY VP LENI – Sunud-sunod na ang atake ni presidential candidate, Sen. Ping Lacson sa kampo ni VP Leni, at ang latest na banat ay kesyo pinapaatras daw siya sa laban sa presidential race para suportahan na lang daw ang kandidatura ni Robredo.


Sa totoo lang ha, marami nang nakapupuna na itong si Lacson ay parang "attack dog" ng Malacañang para atakehin nang atakehin si VP Leni, boom!


◘◘◘


TANGGALAN NG LISENSYA SA PAGKA-DOKTOR SI DR. LORRAINE BADOY! – Hiniling ng mga health workers sa Professional Regulatory Board (PRC) na tanggalan ng lisensya sa pagka-doktor si Dr. Lorraine Badoy, spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) dahil napaka-unprofessional daw ang ginagawa nitong pangre-red-tagged o pag-aakusang komunista o terorista ang mga kasapi ng mga asosasyon ng mga doktor at nurse na pumupuna sa mga maling polisiya ng gobyerno.


Dapat talagang tanggalan ng lisensya sa pagka-doktor si Badoy kasi sa totoo lang, bad ang ginawa nitong pangre-red-tagged sa mga taong kanyang kinaiinisan na nagdudulot ng panganib sa buhay ng kanyang mga nire-red-tagged, period!


◘◘◘



DAYAAN SA ELEKSYON? – Nabulgar na sa Singapore ay pre-shaded na raw sa balota ang name ni vice presidential candidate, Mayor Sara Duterte at ilang kandidato sa pagka-senador.


Aba eh kung totoo 'yan, dapat imbestigahan na ito agad ng Senado kasi kung totoo 'yan ay malinaw na may mga nagsasabwatan na para magkaroon ng dayaan sa darating na May 9. 2022 election, tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page