top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund, i-explain sa taumbayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 2, 2023
1 min read

@Editorial | June 2, 2023


Pirma na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang kulang upang maging ganap na batas ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund (MIF).


Nabatid na 19 na senador ang pumabor sa MIF habang kumontra si Senador Risa Hontiveros at nag-abstain naman sa pagboto si Sen. Nancy Binay. Hindi naman nakaboto sina Senators Koko Pimentel, Chiz Escudero at Imee Marcos.


Gayunman, hanggang ngayon ay marami pa ring tanong ang hindi nasasagot at mas lalong nababahala ang taumbayan.


Bagama't una nang sinabi ni P-BBM na wala umanong intensyon ang gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang seed fund para sa panukalang MIF.


Sang-ayon ang Pangulo sa mga pagbabago sa panukalang batas na nagbabawal sa paggamit ng pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, at iba pa sa Maharlika Fund.


Gayunman, inihayag din ng Pangulo na kung naniniwala ang isang state pension fund na isang magandang investment ang kontrobersyal na Maharlika Fund, nasa kanila na ang desisyon kung pipiliin nilang mamuhunan. Kumbaga, hindi obligado na i-invest ang pensyon pero puwede.


Ang tanong, sino ang dapat magdesisyon na pakialaman ang pensyon at isugal sa Maharlika?


Paano kung malugi o makurakot? Sino ang mananagot 'pag pumalpak ang investment?


Tulad ng ipinaliwanag ng ilang mambabatas, wala tayong pera, utang marami.


Kaya panawagan kay P-BBM, bago pirmahan ang panukalang batas, pag-aralan munang mabuti.


Hindi dapat minamadali. Huwag nating bigyan ng problema ang mamamayan na hindi pa nakakabangon mula sa pandemya at kahirapan, plis lang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page