top of page
Pokwang.jpg

Kontra-pamamaril — Angara... Iskul, bantay-sarado na sa tanod

Writer: BULGAR
BULGAR
4 days ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | October 15, 2026



Jonvic Remulla at Sonny Angara - DepEd - DILG

Photo: Jonvic Remulla at Sonny Angara - DepEd - DILG



Mas mahigpit na ang pagbabantay sa mga paaralan dahil sa tulong ng mga barangay tanod.


Kahapon, pumirma na ng kasunduan ang Department of Education at Department of the Interior and Local Government para gawing pormal ang pakikiisa ng mga barangay official sa pagtitiyak na ligtas ang mga paaralan.


Sa ilalim ng kasunduan, hindi papasok sa loob ng eskwelahan ang mga tanod, pero babantayan nila ang lahat ng gate pati na rin ang iba pang puwedeng pasukan at labasan sa paaralan.


Pinangunahan mismo nina DepEd Secretary Sonny Angara at DILG Secretary Jonvic Remulla ang pagpirma ng kasunduan sa Bangkal High School sa Makati City.


Ayon kay Remulla, iba na ang panahon ngayon dahil sa impluwensya ng internet, kaya dapat maagap ang pamahalaan at magtulungan ang komunidad.


Nagpasalamat naman si Angara dahil malaking tulong din ang mga tanod para sa kakulangan ng mga security guard sa iskul.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page