top of page
LET’S SEE - SHARON, DAMAY SA AWAY NINA SEN. KIKO AT SEN. ROBIN-IG _reallysharoncuenta FB R

Kontra ICC warrant... TRO ni Bato, tablado sa SC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 20, 2026



Kontra ICC warrant... TRO ni Bato, tablado sa SC

Photo: Sen. Bato Dela Rosa / FB



Ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) at/o status quo ante order (SQAO) laban sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.


Sa isang press briefer na inilabas nitong Miyerkules, Mayo 20, inihayag ng SC ang resulta ng En Banc decision sa botong 9-5-1, na nagbabasura sa naturang kahilingan ni Dela Rosa para sa interim relief.


Nilinaw ng SC na ang inaksyunan lamang nila ay ang kahilingan para sa interim relief, partikular ang TRO at SQAO, at hindi pa nila pinapasyahan ang pangunahing mga isyung legal na inihain ng mga partido sa kaso.


Samantala, iginiit ng mga abogado ni Dela Rosa na iginagalang nila ang desisyon ng SC. Gayunman, sinabi ng kampo ng senador na magsusumite sila ng motion for reconsideration upang muling kuwestiyunin ang naging pasya ng Korte Suprema.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page