Kontaminado umano… 4 brand ng pambatang gamot, delikado – FDA
ni Lolet Abania | October 25, 2022

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at pag-inom ng apat na ‘contaminated’ cough and cold syrups para sa mga bata.
Una nang itinuring ng World Health Organization (WHO) ang naturang pediatric medicines o pambatang gamot bilang substandard. Ibig sabihin, ang manufacturer ay hindi nag-provide ng mga garantiya sa WHO hinggil sa kaligtasan at kalidad ng mga nasabing produkto.
Tinukoy naman ng FDA ang mga pambatang gamot na Promethazine Oral Solution, Kofexmalin Baby Cough Syrup, Makoff Baby Cough Syrup, at Magrip N Cold Syrup. Ang mga ito ay manufactured ng India-based Maiden Pharmaceuticals Limited.

Ayon kay FDA director general Samuel Zacate, ang mga produkto ay naglalaman ng contaminants diethylene glycol at ethylene glycol, kung saan toxic o nakakalason sa tao kapag na-consume o ginamit.
“[This] may result to abdominal pain, vomiting, diarrhea, inability to pass urine, headache, altered mental state and acute kidney injury, which may lead to death,” pahayag ni Zacate sa isang advisory na inisyu noong Oktubre 21.

Sinabi pa ni Zacate na ang mga pediatric medicines, na na-detect sa African region noong Setyembre, ay hindi naka-register sa FDA.
“However, it is important to detect and remove these products from circulation to prevent harm to patients,” dagdag pa ni Zacate.





Comments