KOJC inihirit sa Davao court ang show-cause order vs Abalos, PNP
- BULGAR
- Aug 28, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando @News | August 28, 2024

Humiling ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) nitong Miyerkules sa isang korte sa Davao na maglabas ng show-cause order laban sa ilang opisyal ng gobyerno.
Ayon sa One Mindanao Regional TV, naghain ang KOJC ng isang manipestasyon na may mosyon na maglabas ng show-cause order kung bakit hindi dapat panagutin ang mga respondent sa contempt sa harap ng Davao City Regional Trial Court (RTC) Branch 15.
Ang mga respondent ay sina Interior Sec. Benhur Abalos Jr. at ang Philippine National Police (PNP), na kinatawan ni Pol. Brigadier General Rommel Marbil.
Matatandaang naglabas ang Davao RTC Branch 15 ng temporary protection order (TPO) nu'ng Martes pabor sa KOJC, na nag-uutos sa PNP na itigil ang mga aksyon na nagbabanta sa kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng grupo.
留言