Knows mo ba 'yan, Xian? KIM, SA CONDO NAGTATAGO 'PAG GUSTONG MAPAG-ISA
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 15, 2021

Sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Kim Chiu ang kanyang bagong condo unit na sinasabi niyang kanyang secret hideout.
Kahit may malaki na siyang bahay, itong condo raw ang kanyang tambayan kapag gusto niyang magsarili.
Pahayag ni Kim, "Sobrang liit lang ng lugar na 'to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa rito. Dito ako nagmumuni-muni. Gusto ko ng home away from home, so ito 'yung lugar na 'yun," ani Kim.
"Ako lang talaga mag-isa dito. Ako naglilinis. As an independent girl ako rito. Wala si Sissy Kam, though sometimes, nandito siya. Wala 'yung mga angels ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng [alone time]."
Ipinagmalaki rin ng It's Showtime co-host sa kanyang vlog ang kanyang kusina, dining area at bathroom.
"Now ko lang talaga 'to ipina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas 'yung pagtambay ko rito. So, gusto ko namang maganda, maayos, malinis.
"Ngayong quarantine kasi, parang ipina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa 'yo," ani Kim, na nabili umano ang kanyang property noong year 2015 pa.
"Kasi ito, nakuha ko lang 'to dahil may konti akong naitabing ipon, and then, inisip ko kung saan ko 'yun gagastusin. May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So, kahit maliit lang siya, tutubo rin naman 'yun. So, kaysa bumili ng mga cars na magde-depreciate rin nang konti, might as well buy something for yourself that one day you'll be really proud of. And proud naman ako dito sa aking small space."
Napapanood pa rin si Kim bilang host sa It's Showtime araw-araw sa Kapamilya Channel, CineMo, A2Z, TV5, TFC, Kapamilya Online Live, iWant TFC, WeTV at iflix.





Comments