Knows mo ba ‘yan, Coco? DANIEL, PINAGDUDAHANG TATAY NG ANAK NI JULIA
ni Julie Bonifacio - @Winner | September 17, 2021

Dahil sa post ni Karla Estrada na teaser ng Magandang Buhay sa kanyang Instagram, inakala ng mga netizens na babalik na siya sa morning show nila ng mga momshies na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
Halata tuloy na miss na miss na ng mga netizens na mapanood si Momshie Karla sa Magandang Buhay na umeere mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z channel 11, Kapamilya Online at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.
Nakaka-miss naman talaga ang batuhan ng linya nina Momshies Karla, Jolens at Melai.
Napansin lang namin ang isang comment na ipinost ng netizen sa IG story ni Momshie Karla.
Maintriga kasi ang tanong ng netizen na, "Totoo ba na si DJ ang tatay ng anak ni Julia Montes?”
Of course, ang DJ na tinutukoy ng netizen sa question niya ay walang iba kundi ang panganay ni Momshie Karla at boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.
Kalurkey ang tanong, ha? Saan galing ‘yun?





Comments