top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kita ng PUV drivers, kulang kahit Alert Level 1 na

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | March 4, 2022



Ikinatuwa ng marami nating kababayan ang pagbaba sa Alert Level 1 ng Metro Manila at ilan pang lugar dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng tinatamaan ng sakit kada araw.


Ito ay dahil mas marami nang nakabalik sa kani-kanilang trabaho at negosyo. Bagay na malaking tulong sa kanilang kabuhayan at ekonomiya.


Pero habang naniniwala ang iba na simula na ito ng kanilang pagbawi sa epekto ng pandemya, kumusta naman ang ating mga tsuper?


Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, iginiit ng isang transport group na hindi pa rin sapat ang kanilang kikitain kahit ibinalik na sa dating kapasidad ang operasyon ng mga pampublikong sasakyan.


Dahil dito, pinamamadali ng grupo ang paglalabas ng pondo para sa fuel subsidy at service contracting ng mga jeepney driver habang umaasa ang mga ito sa kanilang hiling na dagdag-pisong pamasahe at suspensiyon ng excise tax sa langis.


Matatandaang sa ilalim ng Alert Level 1 sa Metro Manila, nasa 100% na ang pinapayagang kapasidad ng mga pampublikong sasakyan.


Samantala, nagpaalala ang grupo sa mga tsuper na iwasan ang overloading at tiyaking nasusunod ng pasahero ang mga panuntunan kontra COVID-19 tulad ng pagsusuot ng facemask.


Habang unti-unti nang nakababawi ang marami, ‘wag sana nating kalimutan ang ating PUV drivers.


Sila ang pinakaapektado sa nagaganap na taas-presyo ng petrolyo at kung hindi sila makababawi, malamang na tumigil na lang sa pagpasada ang mga ito. Bagay na may malaki ring epekto sa mga komyuter, lalo pa’t marami nang balik-trabaho.


‘Ika nga, lahat tayo ay apektado ng pandemya at magandang balita na kinakaya nating makabalik sa normal ang ating pamumuhay, pero sana lang, walang mapag-iwanan.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page