Kisame ng SM Mall bumagsak, 2 menor-de-edad sugatan
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 10, 2026

Photo: Circulated
Nahagip ng mga bahagi ng mga bumagsak na kisame sa loob ng isang SM mall ang dalawang menor-de-edad, Sabado ng hapon sa Lungsod ng Muntinlupa.
Agad dinala ng mga security guard ang lalaki at babaeng biktima sa ospital. Nasugatan sa bahagi ng noo at tinamaan din ng maliit na bagay ang cornea ng mata ng 16-anyos na binatilyo habang ang kasing-edad niyang dalagita ay may posibilidad na na-dislocate o nalinsad ang kanang bahagi ng balikat.
Base sa nakarating na ulat kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, alas 4:40 ng hapon nang mangyari ang insidente sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Naging mabilis ang pagtugon ng mga guard ng mall, subalit napuna umano ng mga netizen ang hindi wastong paraan ng kanilang pagbuhat sa biktima.





Comments