top of page
WINNER - 200 EMPLEYADO NG ABS-CBN, TATANGGALIN-ABS CBN.jpg

Kinumpirma ng Star Magic… KIM, ‘DI INIURONG ANG KASO SA UTOL

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1
3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 1, 2026



TALKIES - KIM, ‘DI INIURONG ANG KASO SA UTOL-IG _chinitaprincess

Photo: IG _chinitaprincess




Nilinaw ng Star Magic na itutuloy ng aktres-TV host na si Kim Chiu ang reklamong isinampa niya laban sa kapatid na si Lakambini Chiu, sa kabila ng muling pagkalat ng isang panayam noong 2023 kung saan positibo ang kanyang naging pahayag tungkol dito.


Sa isang opisyal na pahayag na inilabas sa social media, ipinaliwanag ng Star Magic ang panig ni Kim kaugnay ng isyu.


Ayon sa Star Magic, ang panayam na naitala noong 2023 ay muling kumakalat at kasalukuyang pinapanood ng publiko. Gayunman, nilinaw nitong hindi ito nangangahulugang nagbago ang desisyon ni Kim na ituloy ang legal na hakbang laban sa kanyang kapatid.


Ipinaliwanag din ng Star Magic na ang mga pahayag ni Kim noong 2023 ay tumutugma lamang sa sitwasyon sa panahong iyon at ginawa bago pa lumitaw ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagsasampa ng reklamo.


Sa opisyal na pahayag, ito ang nakasaad, “Star Magic, on behalf of Ms. Kim Chiu, wishes to issue the following statement for the guidance of the public.


“In 2023, an interview of Kim regarding her sister was recorded and is currently being viewed by the public.


“While the statements made by Kim at the time were true and reflected the circumstances then, they no longer represent the present situation.


“Since then, Kim has discovered material information that came to light in 2025, which prompted her to take legal action.


“As a result, a criminal complaint filed by Kim against Ms. Lakambini Chiu is currently pending before the proper authorities.


“Kim remains firm in her decision to pursue the case through the proper legal process in order to establish the truth, hold the responsible parties accountable, and seek justice.

“This statement is issued solely to clarify the timeline of events and to avoid any misunderstanding arising from previously recorded statements.


“As the matter is now the subject of ongoing legal proceedings, we respectfully ask for the public’s understanding and for Kim’s privacy to be respected while the case takes its proper course.

“Thank you for your continued love and support for Kim.”


Well, wala namang magagawa ang madlang people kung desidido pa rin si Kim na ituloy ang kaso. Wish lang ni yours truly na maayos ang hindi pagkakaunawaan ng magkapatid na Kim at Lakam. 





LOVE overload! 

Ibinahagi ng OPM singer-songwriter na si Juan Karlos ang kanyang sweet anniversary message para sa kanyang partner na beauty queen na si Dia Maté.


Sa kanyang social media post, nagbahagi rin ang singer ng mga larawan nilang dalawa habang nag-e-enjoy sa dagat bilang pagdiriwang ng kanilang espesyal na araw.


Sa kanyang mensahe, sinabi ni Juan Karlos, “Every time I witness your eyes looking at me, it makes me feel like how I feel when I watch the sunset.


“Matagal ko nang hinangad na matikman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. At nang dumating ka sa buhay ko, du’n ko lang napagtanto na ang pagmamahal na

nararapat para sa akin ay ikaw.


“To my beautiful baby girl, my best friend, my ride or die, my superstar, Happy Anniversary! Mahal na mahal kita! @diamate.”


In fairness, napakilig ni Juan Karlos ang maraming kababaihan sa comment section ng kanyang post.





PANGMALAKASANG kolaborasyon ang hatid nina Maki at James Reid sa kanilang bagong awitin na Luck.


Inihahalintulad ng alternative indie-pop song ang pag-ibig sa isang sugal—walang kasiguraduhan ang kahihinatnan nito. 


Ipinapakita nito na ang pinakamagagandang kuwento ng pag-ibig ay nagsisimula sa isang matapang na desisyon.


Kasama ni Maki sa pagsulat ng Luck ang top international songwriters at producers na sina Gaby Ramirez, Pontus Kalm, Greg Shilling, at Shintaro Yasuda, na nakapag-compose para sa global artists gaya nina Ariana Grande, BTS, LE SSERAFIM, aespa, at BINI.


Ipinagpapatuloy ng latest music release ng Tarsier Records ang Pink Era ni Maki na sinimulan niya sa nakaraang single na Habangbuhay Pansamantala.


Kamakailan ay dinala ni Maki ang kanyang KOLORCOASTER concert tour sa Indonesia at Singapore, kung saan inawit niya ang hit songs tulad ng Dilaw, Namumula, at Kahel Na Langit.


Nag-guest din siya sa sikat na Indonesian comedy program na Lapor Pak! (LP!) kung saan ipinakita niya ang kanyang husay sa pagpapatawa at pag-arte sa international audience.


Samantala, patuloy ring ipinapakita ni James Reid ang kanyang music style sa pagsasama ng alternative pop, R&B, at modern OPM sa kanyang mga awitin. Sa mahigit isang dekada sa industriya, nakilala siya sa kanyang creative vision at evolving sound.


Nitong Mayo ay inilabas niya ang single na Richest Man Alive at kasalukuyan din siyang napapanood sa ABS-CBN primetime series na Someone, Someday.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page