Kinumpirma ng pamilya… KUMALAT NA LAST WILL AND TESTAMENT NI GLORIA ROMERO, PEKE!
- BULGAR
- Jan 31
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 31, 2025
Photo: Gloria Romero - FB
Mariing pinabulaanan ng pamilya ni Gloria Romero ang kumalat sa social media tungkol sa umano’y last will and testament ng yumaong Queen of Philippine Movies.
Sa ulat ni MJ Marfori ng TV5, nakausap niya ang pamilya ni Tita Glo at nilinaw ng mga ito na isang malaking fake news ang kumalat. Misleading, walang basehan at wala raw ebidensiya ang nasabing balita.
Ayon sa kumalat na pekeng balita, may mahigit P700 million daw si Tita Glo sa bangko at ang ilang porsiyento umano nito ay gagamitin sa pagpapatayo ng isang provincial high school at pagtulong sa mga charity institutions.
Ayon sa ulat ay nakikiusap ang pamilya na bigyan sila ng pagkakataong makapagluksa nang payapa.
Samantala, nai-cremate na ang mga labi ni Tita Glo sa Arlington Memorial Chapels & Crematory nitong nakaraang Miyerkules, Jan. 29.
Pumanaw ang Reyna ng Pelikulang Pilipino noong January 25, 2025 sa edad na 91.
Kahit nabawasan na ng dalawang miyembro ang Pinoy pop girl group na Calista, hindi naman ito naging dahilan para tumigil na sila sa larangan ng musika.
Matatandaang nagsimula sa six members ang Calista noong 2022 at ngayon ay apat na lang sila na binubuo nina Anne (leader), Dain (lead vocalist), Denise (main dancer), and Elle (creative lead). They are being managed by Merlion Entertainment.
Sa ginanap na launching ng kanilang EP, nagbabalik sila ngayon para sa kanilang bagong EP (extended play) titled FOUR (Finding Our Unique Rhythm).
Last Tuesday (January 28), muling ipinamalas ng grupo ang kanilang husay sa pagkanta at pagsasayaw.
They performed the 4 tracks included in their album namely: Alas Dose, LMK, Bongga Ka Day, Oops My Bad, and ‘Wag Na.
Bagama’t nalulungkot daw sila na mayroong mga miyembrong nawala, nagpapasalamat naman ang quartet na naririto pa rin sila na hindi bumibitaw sa grupo.
“S’yempre po, nakakalungkot. Pero ito pong mga kasama ko, ‘di sila ‘yung bumitaw agad.
Gusto naming ipagpatuloy pa kahit nawalan kami or nabawasan kami. Kasi, wala, eh, ito po talaga ‘yung gusto namin.
“And ‘yun po, masaya lang po kami na nandito kami ngayon. Panibagong journey na naman as a 4-member group,” sey ni Anne.
“Sad po pakinggan na nabawasan kami pero blessing pa rin po. Hindi po s’ya naging madali na journey but it’s a fulfilling journey kasi nakaya namin lahat ng challenges.
“Malalakas po ang members ko. Ako po, pinanghihinaan ng loob, pero kapag nakikita ko po sila, parang nahihila po nila ‘yung energy ko. Masaya dahil may panibago po kaming EP. It’s a brand new opportunity for us,” pahayag pa niya.
Sobrang pinaghandaan daw nila ang kanilang comeback at hanggang ngayon ay patuloy pa nga rin daw sila sa pagte-training kahit ‘yung iba ay nagkasakit na.
When asked kung ano ang masasabi nila na ikinukumpara sila sa ibang Pinoy Pop girl group tulad ng BINI, ayon sa grupo ay ayaw nilang i-entertain ang ganitong ideya.
“Sa ‘min po, we don’t want that mindset na nako-compare kami sa iba. Kami lang po ang kalaban namin. Wala po kaming kinakalaban na iba. Naniniwala po kami sa P-pop rise. Gusto po talaga naming patibayin ang P-pop,” saad ni Anne.
Aniya ay natutuwa raw sila kapag may P-pop group na sumisikat.
“‘Pag may nakikita po kaming P-pop na umaangat, mas nai-inspire pa po kami na maglabas ng music na maa-appreciate ng mga tao. Support po namin ang P-pop rise. Ayaw po naming i-compare ang mga sarili namin sa iba. Gusto po namin na lahat kami umagat. Darating din po ‘yung time namin,” deklara ni Anne.
Sinabi rin nila na nagpapasalamat sila sa SB19 and BINI sa pagbubukas ng pintuan para kilalanin ang P-pop sa buong mundo.
“We’re very, very grateful po sa in-open na doors ng BINI at SB19 for the P-pop world. Sila po talaga ‘yung nag-open nito hindi lang po sa P-pop fans and also sa casual listeners kaya mas naging malawak po ang market ng P-pop.
“Marami pa pong umuusbong na P-pop groups because we know na someday, mari-reach din po namin ‘yung ganu’n na stage. ‘Pag nagko-compare ka po sa iba, parang nahi-hinder po ‘yung role mo as an artist so much as well kalabanin mo na lang po ‘yung sarili mo and gawin mo ‘yun na motivation to improve pa sa craft na ilalabas mo pa in the future,” sey ni Anne ng Calista.
Comments