top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kinulit na ni Carla na magpa-checkup, ayaw… TOM, 11 BESES NAGTANGKANG MAGPAKAMATAY

BULGAR
Jun 22, 2022
1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 22, 2022



Patuloy pa rin ang paglalabas ng “dirty linens” sa publiko ng former couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Pagkatapos mabulgar na may kinalaman ang pera sa hiwalayan nina Tom at Carla, may mga naglilitawan naman ngayong tsika tungkol sa psychological state nilang dalawa.


‘Yan ang naging topic ng usapan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz at ng kasama niya sa kanyang YouTube channel na si Mama Loi.


Sinusugan ni Ogie ang naunang comment ni Carla sa kanyang socmed account (na burado na) na nais niya raw talagang tulungan si Tom pero tumanggi ang kanyang ex-hubby.


Ayon daw sa source ni Ogie, may mga episodes pala si Tom noong araw na muntik na nitong “kitlin ang kanyang buhay.”


Ang nakakalokah, not once or not even twice or thrice raw nangyari, kundi 11 times!

Grabeee, devvaaah?


Kaya gets n'yo na kung todo-effort si Carla na kumbinsihin si Tom na magpatingin para agarang mabigyan ng lunas, if this is true.


Sa kabila nito, nagpakasal pa raw si Carla kay Tom hoping na magiging okey naman ang kanyang mister.


Pinabulaanan din ng source ni Ogie ang sinabi ni Tom sa kanyang lumabas na statement na never niyang sinaktan si Carla.


Aniya, may pagkakataon daw na kapag galit si Tom ay nagagawa niyang saktan si Carla.


Naku po!

header.all-comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page