Kinulang daw siya sa training… PACQUIAO, AMINADONG NAHIRAPANG PATUMBAHIN SI BARRIOS
- BULGAR
- 3 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 23, 2025
Photo: Manny Pacquiao vs Barrios - IG
Matapos ang kontrobersiyal na laban ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao kay WBC welterweight champion Mario Barrios last July 19 (July 20 sa Pilipinas), nagpahayag ng pasasalamat ang misis niyang si Jinkee Pacquiao sa lahat ng supporters at nagmamahal sa boksingero.
Nag-upload ng family photo nila si Jinkee sa Instagram (IG) kung saan ay makikitang kumpleto ang kanilang mga anak na sina Jimuel, Michael, Mary, Queenie, and Israel.
Nakaka-touch din ang photos na niyakap si Pacman isa-isa ng kanilang mga anak matapos ang laban.
“My heart is full thanks to you all. (red heart emoji) I’m deeply grateful for all your love, prayers, and support. (boxing glove, folded hands & red heart emoji),” caption ni Jinkee.
As we all know, nagtapos sa majority draw ang Pacquiao-Barrios fight sa score na 114-114, 114-114 at 115-113.
Pahayag ng boxing champ matapos ang laban, “I thought I won the fight… I mean, it was a close fight. My opponent was very tough. But it was a wonderful fight. I was trying to find a way to finish the fight, but my opponent was so tough. He threw punches in combination with defense, so it was hard.”
Inamin din niya na nagkulang siya sa training, kaya naman paghahandaan na niya nang husto ang susunod nilang laban.
“I only had two months training… What I need to do is to continue my training… In a championship fight like this, I should train for four or three and a half months,” aniya.
Papa raw niya ang nagturo… KYLE, PROUD NA NAKABILI NA NG LOTE SA SOUTH
PROUD na proud si Kyle Echarri sa kanyang second big investment na na-acquire kamakailan at ito ay isang lote sa bandang South. Ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa guesting niya sa latest vlog ni Jodi Sta. Maria sa YouTube (YT).
When asked kung bakit niya naisipang sa South area bumili ng lote, saad ni Kyle, “I’m actually really from Cebu, sa mga hindi po nakakaalam, so mas provincial po ‘yung hinahanap ko kaysa city.”
Paliwanag pa niya, “Medyo congested na nga po rito sa Manila, so I like to look more (in the) South. Not too far away naman na rin kasi may Skyway na, so everything’s a lot more accessible in the South na rin.”
Doon nga raw niya balak itayo ang kanyang dream house in the near future.
“I see myself moving there in the future. Lupa pa lang naman po s’ya. It’s my second ever investment para sa sarili ko,” sey pa niya.
“Ano naman po kasi, I’ve been working since I was 12 years old,” dagdag pa niya.
Thankful din ang aktor dahil may mga tao ring nagga-guide sa kanya sa paghawak ng kanyang pera.
“I’m blessed enough to have a lot of people guiding me when it comes to my finances. I met a lot of people who show me what they are doing in their life without telling me what to do,” saad pa niya.
Natanong din siya kung paano niya mina-manage ang kanyang finances and revealed, “What I’ve always been doing po for myself is kunwari may cheque ako, darating po ang tseke, ang kukunin ko lang po sa tseke na ‘yun is 10%. I only get 10% for my personal (expenses) and the rest goes to savings and then, land banking.”
Tinuruan din daw siya ng Papa niya na mag-invest kaya naman paunti-unti ay ginagawa na niya.
“I’m taking it step by step, I’m learning as we go,” aniya.
Sinabi rin ni Kyle na ang isa pang pangarap niya ay makapagpundar ng bahay sa Spain.
“‘Yan po talaga. Pangarap ko po talaga ‘yun. I love Spain,” sambit pa niya.
Sinabi rin niya ang lugar kung saan sa Spain at ito ay sa San Sebastian kung saan naroon ang kanyang mga relatives.
“Doon po ‘yung pamilya ko po talaga. I got to meet them last year. My roots. My dad’s cousins,” sabi ng aktor.
留言