top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kinukuha raw ni Willie para sa network ni Villar… "RIGHT NOW I’M HAPPY WITH NET 25" — AGA

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2022
2 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 4, 2022




Mga ordinaryong tao ang bida sa bagong programa ni Aga Muhlach sa NET 25 na Bida Kayo Kay Aga na mapapanood na sa Marso 12, Sabado, sa ganap na 7 PM.


Base sa kuwento ng TV host-actor, ang pagiging "bida" ay hindi dapat manggaling sa sarili mo kundi sa ibang tao.


“Para sa akin kasi, ang bida ay ‘yung mga taong gumagawa ng kabutihan (sa ibang tao) na walang announcement, hindi ipinapakita. I mean there’s nothing wrong with that ('pag nalaman ng ibang tao), but ‘yung mga simpleng tao na gumagawa for others na they don’t make money out of it.


“Ito ‘yung mga taong hinahanap namin na gumagawa ng acts of kindness, na hindi nila alam, nakukunan sila, nabi-video-han sila, they’ll go viral. It’s a few good thing.


"Maraming taong naghihirap sa mundong ito, marami tayong naghihirap, pero ang Pilipino, karamihan sa atin, kahit lugmok na minsan ang dinadaanan natin, 'pag may humingi ng tulong sa atin, kahit konti, bibigay pa rin tayo, hindi lang pinansiyal kundi kahit sa oras, sa panahon, mga ganitong bagay.


“Kaya ito ‘yung mga nakakatuwa na para sa akin, bilib ako sa inyo, kayo ‘yung hero talaga, saludo ako at iyan ang mga gusto kong mai-feature talaga. Because, gusto ko silang makausap kasi sa hirap ng dinadaanan mo sa buhay, ano ang nasa puso mo at gusto mo pa ring tumulong sa tao? Things like that,” esplika ni Aga para sa nilalaman ng bago niyang programa sa NET 25 na produced ng Eagle Broadcasting Corporation.


Ikalawang programa na ito ni Aga sa NET 25, nauna na ‘yung Tara Game, Agad-Agad na nagsimulang umere noong Nobyembre 21, 2021 at maraming kababayan natin ang natulungan ng programa.


Samantala, sa ginanap na virtual mediacon ni Aga para sa Bida Kayo Kay Aga kahapon ay natanong siya tungkol sa balitang kinausap siya ng kaibigan niyang si Willie Revillame para sa bagong network nitong hahawakan, ang Advanced Media Broadcasting Systems na pag-aari ng pamilya ni dating Senator Manny Villar.


Balitang si Willie ang head at mamimili ng content na ipapalabas sa network. At bilang kaibigan ng Wowowin host si Aga ay isa raw ito sa mga inalok base na rin sa nag-viral na photos nila habang nagdi-dinner.


Bagama’t itinanggi na ito ni Willie, simpleng kumustahan lang daw ang nangyaring pagkikita kaya si Aga naman ang hiningan ng reaksiyon.


“Willie and I are good friends. Right now, I’m happy with NET 25 as long as they like me (natawa), as long as ‘yung services ko, okay pa sa kanila, then I will remain with them. That I can say.


“Kinuha ako ng NET 25, nasa kanila ako, masaya sila sa akin, masaya ako sa kanila, kaya tuluy-tuloy lang at nakakapagbigay ako ng ligaya sa kanila, sana, at sila rin ay nakakapagbigay ng ligaya sa akin through my shows, dahil lahat ng ini-request ko, ibinibigay naman nila tulad nu’ng Tara Game na 'Magbigay tayo sa tao,' tapos ‘yung Bida Kayo Kay Aga. So, maraming salamat.


“In terms of other stations, priority ko ang NET 25. Ngayon, kung magkakaroon ng ibang shows (network), parati akong magpapaalam sa NET 25 always, kasi dito ako nag-umpisa.


‘Yan ang delicadeza ko na hindi na nawala sa akin mula’t sapul,” seryosong paliwanag ni Aga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page