top of page
Search
  • BULGAR

Kings, una nang pumasok sa finals, Beermen nabigo

ni Clyde Mariano @Sports | March 30, 2023




Tinapos ng defending champion Barangay Ginebra ang best-of-five semis sa pamamagitan ng 3-0 sweep sa brother team San Miguel sa come-from-behind low scoring game, 87-85 sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Hawak ang 2-0 bentahe, na outshot ng Kings ang Beermen sa krusyal na second half at maagang tinapos ang serye at harapin ang mananalo sa Talk ‘N Text at Meralco sa best-of-seven title series.


Sa pangalawang sunod na laro gumanap na bayani si Christian Standhardinger sa Game 3 semifinal clinching victory ng Kings na umiskor ang 34-years old Filipino-German ng open winning bankshot sa assist ni Justin Brownlee para dalhin sa finals ang league’s most popular team at palakasin ang ambition ni coach Tim Cone na kunin ang pang 24 na PBA title mula 1994 na nagsimula sa Alaska.


Tumawag si coach Jorge Gallent ng timeout at ikasa ang final offensive at ipilit ang overtime. Subalit sumablay ang shot ni Marcio Lassiter nang matapos ang oras.


Si Lassiter ang nagpatabla sa 85-all sa kanyang top-of-the-key triple. Subalit na bigo ang SMB sa three-point specialist sa huli niyang shot sa left side at inangkin ng Barangay ang panalo patungo sa finals. Napakasaklap at napakapait ang pagkatalo ng SMB na dinomina ang laro na lumamang pa ng 13 points sa first half pero bumigay sa krusyal second half.


Lamang ang SMB 82-75, subalit rumatsada ang Kings sa 10-0 run at inagaw ang lamang 85-82.


Tumipa si Scottie Thompson ng 17 points, 12 rebounds at three assists at muling itinanghal na best player of the game. Umiskor si Justin Brownlee 22 points at 14 rebounds tinalo si Cameron Clark sa kanilang personal duel.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page