top of page
Search

Kings at Beermen target ang commish semifinals

BULGAR

ni Clyde Mariano @Sports | January 19, 2024




Tatangkain ng defending champion Barangay Ginebra Kings at sister team San Miguel Beermen na umabante sa semifinals at sumama sa unang qualifier isa rin sister team elimination topnotcher na Magnolia Hotshots laban sa magkahiwalay na kalaban ngayong Biyernes sa 48th PBA Commissioner’s Cup sa Philsports Arena.


Lalabanan ng Kings ang NorthPort Batang Pier ng 8 pm at sasagupain ng Beermen ang Rain or Shine ng 4 pm. Hawak ang twice-to-beat- advantage, isang panalo ang kailangan ng Gin Kings at SMB para umabanse sa semis at ang dalawang finalists ay maghaharap sa best-of-seven title series.


Tinalo ng twice-to-beat Hotshos ang TNT, 106-94, at unang koponan abanse sa semis.


Paboritong manalo ang Kings at SMB dahil malalim ang bench at magaling ang kanilang import. Tinalo ng Gins ang Pier, 103-93 at pinayuko ng SMB at RoS, 115-110.


Determinado ang Gins at SMB na hindi lang umabanse sa next round kundi panatilihin ang kanilang paghahari sa Pier at RoS. Nasa frontline si Tony Bishop ng defending champion Gin Kings. Muling pangungunahan ng 34 years old Texan born ng Dallas ang opensiba katuwang sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stangley Pringle, Jamie Malonzo, Maverick Ahanmisi at Christian Standhardinger.


Bukod sa opensa, gagampanan ng 6-7 na si Bishop ang depensa para pigilang umiskor si Indian-Australian na taga-Victoria state si Venky Jois sa kanilang match up.


Lumakas ang SMB sa pagbabalik nina ace gunners June Mar Fajardo at Terrence Romeo at tutulungan ang bagong bagong import Benny Boatwright at kanilang mga kasamahan na sina CJ Perez, Chris Ross, Simon Enciso, Jericho Cruz, Marcio Lassiter at Moala Tautuaa.


Si Boatwright ang pangatlong import ng SMB. Pinalitan ni Boatwright si Ivan Aska na humalili kay Tyler Stone.          

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page