ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 17, 2024
Natuwa at baka naiyak pa si Ken Chan sa mga nabasang comments ng kanyang mga kaibigan at fans nang i-post niya ang statement sa hinaharap na kasong syndicated estafa.
Mga comments ito na nagpapalakas sa kanyang loob at hindi siya hinuhusgahan at patuloy ang suporta at pagmamahal sa kanya.
Ito ay kahit ni-refute ng former business partner niyang si Mark Wei ang kanyang statement. Sabi kasi nito, siya naman ang magsasalita soon at malakas daw mambaligtad si Ken.
Hihintayin siguro ni Mark ang binanggit ni Ken na maglalabas siya ng detalye, kaunting panahon pa raw.
May pakiusap si Ken sa mga nagmamahal sa kanya na patuloy siyang isama sa mga prayers.
Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta kay Ken si Rhea Tan ng Beautederm, si Mark Bautista at sina Kyline Alcantara, Luis Hontiveros, Chuckie Dreyfus, Arra San Agustin, Alex Medina at marami pang iba.
Hindi nagpatinag ang mga kaibigan na sumusuporta kay Ken kahit naba-bash sila dahil lang nagpahayag ng suporta sa aktor.
Ano naman ang gusto nilang gawin ng mga friends ni Ken, itakwil siya kung kailan niya kailangan ng suporta at understanding?
Ang daming nagbigay ng unsolicited advice kay Ken, pare-pareho naman nating hindi alam ang mga nangyari. Hintayin na lang natin ang mga susunod na hakbang ni Ken at ang magiging reaction at sagot ni Mark Wei.
Comedy Queen, pinatutsadahan, hinamon…
CHLOE, NAG-MESSAGE KAY AI AI AT SA ANAK NA SI SOFIA
Ipinost ni Ai Ai Delas Alas ang ipinadala sa kanyang bouquet of flowers ni Marian Rivera at pati ang note na kasama sa bulaklak, ipinost din.
Ibig sabihin nito, puwedeng isulat ang nilalaman ng note. Wala namang personal na binanggit si Marian sa kanyang note, eh.
“I just want you to know that I’m here for you. God has a big plan for you, and I (‘di mabasa dahil may watermark) amazing things are coming your way. You’re not alone in this! Yakap! Matatapos din ang lahat.”
Dahil “Kambi” ang tawagan nina Ai Ai at Marian (ibig sabihin ay Kambal), ‘yun ang nakapirma sa note ng misis ni Dingdong Dantes.
Sagot ni Ai Ai, “My Kambi @marianrivera, love you.”
Samantala, wala pa o baka hindi na mag-react si Ai Ai sa isyu ng anak na si Sophia Delas Alas at ni Chloe San Jose kahit sinabi ng huli na pareho niyang na-message ang mag-ina after siyang hamunin ni Sophia na makipagkita rito.
Alam ni Ai Ai na kaya ni Sophia ang isyu sa kanila ni Chloe. Kinumpirma nga ni Sophia na siya ang nag-post sa kanyang Facebook (FB) na hinamon nga si Chloe at hindi fake ang FB account na ‘yun gaya ng sinabi at paniniwala ni Chloe.
Ibinulgar ni Rita… ILANG ARTISTA, NAIINSULTO AT NANGINGINIG SA TAKOT KAY DIREK JOEL
MAY special role si Rita Avila sa pelikulang Huwag Mo Akong Iwan (HMAI) bilang mapagmahal na ina ni Rhian Ramos. Siya ang klase ng ina na nakikita ang tama para sa anak, pero 'yung anak, hindi makita.
Short appearance lang si Rita sa movie na kanyang tinanggap dahil love niya ang director nitong si Joel Lamangan. Saka, gusto rin niyang makasama si Rhian kahit sa ilang eksena lang. Propesyonal nga si Rita dahil kahit short lang ang kanyang appearance sa movie, dumating pa rin siya sa mediacon.
“Short role pero tinanggap ko dahil lab ko si Direk Joel, while may iba na naiinsulto sa kanya at nanginginig sa takot. Iba-iba lang talaga ang pagtanggap o pagkakilala,” sabi ni Rita.
Ayon pa kay Rita, sa floor lang istrikto si Direk Joel dahil kapag walang eksena o in between takes, malambing ito. Istrikto lang daw pero laging panalo ang resulta ng bawat trabaho o pelikulang ginagawa nito.
Pinuri rin ni Rita si Adolf Alix, Jr., director niya sa GMA Afternoon soap na Lilet Matias na airing sa GMA-7.
Sobrang cool daw si Direk Adolf, “Nakakamangha magtrabaho. Nakakamangha ang haba ng pisi. Nakakamangha ang pagsuporta sa mga artista niya na kung sa ibang director lang, baka nasigawan na o namura.”
Anyway, extended up to next year ang Lilet Matias. Nagustuhan ito ng mga viewers at dahil extended, hindi si Tom Rodriguez ang last na magiging guest. May iba pang aabangan ang mga viewers na magge-guest.
Comentarios