Kinain lahat ng sinabi… VICE, TODO-LAIT NOON SA GMA-7, SA NETWORK DIN ANG BAGSAK
ni Ambet Nabus @Let's See | March 22, 2024

Usapang balikan-lipatan pa rin, in high heavens ang It's Showtime ngayong very soon ay sa GMA-7 na sila mapapanood.
Sa TV history natin, wala ngang mag-aakalang darating ang time na ang itinuring na biggest broadcast network na ABS-CBN ay, "makikitira, makikisukob, makikirenta" at iba pang mga terms ukol sa nawalan ng tahanan.
Kahit anong pagiging positive ang gawin natin sa pangyayaring ito, marami pa rin talagang lalabas na nega lalo na kay Vice Ganda, ang nagsisilbing timon (leader) at kapitan ng grupo.
Sa maraming pagkakataon kasi ay laging nagagamit ni Vice ang GMA-7 at ang noo'y katapat nitong Eat…Bulaga! sa mga pang-ookray, panlalait at pamimintas nito.
Pero sa mga nangyayaring pagpupuri, pagpupugay at pagpapasalamat nina Vice Ganda sa GMA-7, sino kaya ang kumain uli ng mga pangit na salita?
Take note, magsisimula pa lang sila after ng Holy Week kaya't asahan na nating may mga isyu pang pag-uusapan upang sila'y matawag na nasa mainstream TV watching again!





Comments