top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kim, Maja, Sarah, Bea, Pia at Julia… GERALD, TINUHOG ANG MGA ENDORSERS NG SHAMPOO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2021
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 13, 2021





'Kaaliw 'yung kumakalat ngayong shampoo meme sa social media kung saan makikita ang pictures ng mga babaeng naging girlfriend at na-link sa 'man of the hour' na si Gerald Anderson.


Pang-anim na pala si Julia Barretto sa mga celebrities na naugnay kay Gerald at ewan kung nagkataon lang, pero ang nakakaaliw, lahat ng mga aktres na na-link kay Gerald ay naging endorser ng shampoo.


Una, si Kim Chiu na endorser ng Rejoice, then si Maja Salvador na Clear naman. Sumunod si Sarah Geronimo na endorser ng Sunsilk, tapos si Bea Alonzo na dating Pantene model, pero Head & Shoulders ambassadress na ngayon with Alden Richards as ambassador as well.


Then, pasok din ang Miss Universe-actress na si Pia Wurtzbach na endorser ng Creamsilk, at siyempre, pinakahuli at current GF nga ngayon ni Gerald si Julia na Palmolive shampoo endorser.


'Kalorkey lang, devah naman?! Tinuhog pala ni Gerald ang mga shampoo endorsers na itey!


Pero ang pinaka-'highlight' (highlight daw, oh!) ng naturang meme ay tinagurian si Gerald bilang "DANDRUFF". Wahhhhhhh!


Kaya ayan, bentang-benta at ang dami na namang followers ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account ang naka-gets ng simpleng parinig o patutsada ng aktres sa kanyang ex-BF na nang-ghosting nga raw sa kanya.


Nag-post kasi si Bea ng half body picture niya na medyo nakatalikod at nililipad ng hangin ang kanyang buhok at sa caption, mababasa ang: "Have the confidence to shake off bad vibes without worrying about dandruff. No more ITCHuations with @headandshouldersph"


Ilan sa mga comments ng mga netizens na nabasa namin ay…


"Bwiset talaga ang dandruff .. tanggalin ang pesteng dandruff."


"Legit ang Head and Shoulders, pati si Gerald, natanggal sa buhay mo."


"Go go go anti-dandruff!!! Hahaha, panalo na naman ang caption."


"Haha si Gerald dandruff."


Isang netizen naman ang 'di pa nakuntento sa pagbabasa na lang ng caption ni Bea, itinag pa nito si Julia Barretto sa comment niyang, "@juliabarretto Hindi ka ganito kaganda."


Hala siya, oh!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page