top of page
Gary V. - IG.jpg

KIM, IDINEMANDA ANG UTOL, PADIR MASAMA ANG LOOB

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 11, 2026



Lakam Chiu at Kim Chiu - IG

Photo: Lakam Chiu at Kim Chiu - IG



Masakit sa kalooban ni Kim Chiu ang ginawa niyang pagdedemanda sa kanyang Ate Lakam. Pamilya pa rin sila at ayaw niyang malantad sa publiko ang personal nilang problema.


Pero no choice si Kim dahil hindi lang ito simpleng bagay. Milyong piso ang involved dito at pera ito ng negosyo kung saan may mga kasosyo si Kim. Hindi niya solo ang kapital at siyempre, naghahanap na ang kanyang mga business partners ng kita, kaya umabot na sa korte ang lahat. 


Ang masakit pa, sumama ang loob kay Kim ng ilan sa kanilang mga kapamilya at isa na rito ang mismong ama ng aktres.


May ilang fans ding isinusumbat kay Kim ang ginawa ng kanyang Ate Lakam sa kanyang career noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Dapat daw ay pinatawad at binigyan ng second chance ni Kim ang kanyang Ate Lakam. 


May ilang fans pa ang nagdawit kay Paulo Avelino na ito raw ang nagsulsol kay Kim na idemanda ang kanyang ate sa paglustay ng milyones na pera ng negosyo ni Kim. 


Well, kahit pa sabihing magkapatid ang dalawa, may batas na umiiral at nasa korte na ang kaso. Napakahirap para kay Kim ng kanyang sitwasyon at napakarami pa niyang problema na dapat ayusin. 


Magpakatatag lang sana ang aktres dahil may katapusan din naman ang lahat ng pagsubok.





RYAN, ‘DI UMUBRA KAY YENG, KAY JACKIE NAMAN 



  • Ryan Bang at Jackie Gonzaga - It's Showtime - YT
    Ryan Bang at Jackie Gonzaga - It's Showtime - YT


Mukhang malapit nang maka-move on si Ryan Bang sa paghihiwalay nila ng fiancée niyang si Paola Huyong at sa naunsiyami niyang pagtingin sa singer na si Yeng Constantino.


Inili-link ngayon si Ryan kay Jackie Gonzaga na kasamahan niya sa programang It’s Showtime. Marami ang nakapansin sa closeness nila ni Jackie sa burol ng mom ng dancer. 


Nagpakita ng pagmamalasakit at pagdamay si Ryan sa pamilya ni Jackie. Hanggang sa huling gabi ng burol ay dinamayan niya ang co-host sa It’s Showtime.


Well, wala namang masama kung muling umibig si Ryan Bang. Can afford na siya ngayon dahil may mga negosyo na siyang naipundar. 


Kaya na niyang bumuhay ng pamilya. Hindi rin naman mahirap mahalin si Ryan Bang dahil mabait at hardworking pa! 


Aabangan ng mga fans kung makakapasa siya kay Jackie Gonzaga. 





Nag-ala-Nora… 

JUDAY, NAKIPAGTIKIMAN SA KAPWA BABAE PARA ‘DI PAGSAWAAN NG FANS



  • Judy Ann Santos-Agoncillo at Carla sa Call My Manager - IG
    Judy Ann Santos-Agoncillo at Carla sa Call My Manager - IG


Labis na ikinagulat ng mga loyal fans ni Judy Ann Santos ang pagtanggap niya ng daring role sa Call My Manager. Nasanay na raw kasi sila na dramatic role ang ginagampanan ni Juday sa kanyang mga serye at pelikula.


Drama Queen ang imahe ni Juday sa publiko. Magaling siyang aktres at wala na siyang dapat patunayan pa.


Pero nagbabago ang takbo ng panahon at pati ang trend sa showbiz ay nagbabago rin. Naghahanap ang publiko ng pagbabago sa mga artista para ‘di pagsawaan.


Hindi na puwede ‘yung dating pa-sweet at Drama Queen image. Kailangang may iba silang maipakitang bago sa kanilang akting.


At ang pagtanggap ni Judy Ann ng kanyang daring role sa Call My Manager ay masasabing challenging at hamon sa kanyang kakayahan, lalo na at may bed scene sila ni Carla Humphries.


Well, maging ang yumaong Superstar- National Artist na si Nora Aunor ay pumayag din naman noon na gumanap na lesbian sa pelikulang T-Bird at Ako kapareha ni Vilma Santos, at tinanggap naman ito ng mga Noranians.


Ang pagbabago ngayon ni Judy Ann ay tanggap ng mga movie critics. Hindi habampanahon ay nakakulong si Juday sa image niyang Drama Queen. Kailangan din niyang gumanap sa iba’t ibang klaseng roles na hahamon sa kanyang kakayahan bilang aktres.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page